PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang jabs ex Lee O'Brian again

Pokwang to netizen about ex-partner: "Kadiri wag na uy!"
by Arniel C. Serato
Published Sep 20, 2023
Pokwang takes a swipe at Lee O'Brian again
Pokwang to her followers: "Saan masarap mag-nomu? Yung makakarampa ako ha sayang ang awra kez!!!!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Maraming netizens ang nakakapansing mas lalong gumanda si Pokwang mula nang maghiwalay sila ng kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.

Tila mas naalagaan daw ni Pokwang ang sarili ngayong wala na sa kanyang buhay ang tinagurian niyang “palamunin” noon.

Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”

Sa Instagram nitong nakaraang September 17, 2023, nagbahagi si Pokwang ng isang short reel.

Tanong niya sa kanyang followers, saan may magandang inuman na maaari niyang rampahan dahil maganda umano ang kanyang awra nang sandaling iyon.

Aniya, “saan masarap mag nomu? yung makakarampa ako ha sayang ang awra kez!!!!”

Nagkomento rito ang isang follower na wala mang pagbanggit sa pangalan ng ex-partner ni Pokwang na si Lee ay malinaw na ito ang kanyang tinutukoy.

Sabi ng netizen, “Jusmiyo ms pokie baka d makapag pigil yung isa sa alindog mo manyakin ka nun [laughing in tears emoji] grabi sumosobra na ang kaalindogan mo sana all [laughing in tears emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabirong sagot ni Pokwang, hindi na siya kumakain ng mga isinuka na niya. Lalo na raw yung nagalaw na ng ibang babae sa mga mumurahing club.

Buong komento ni Pokwang, “Again di ako kumakain ng sinuka kona at dinilaan na ng mga pokpok sa bgc at mga club na chippangga hahahhaahhaa”

Pokwang interaction with netizen

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

In-edit ng nagkomento ang kanyang naunang mahabang sinabi.

Mababasa rito ang mga ganitong salita: “miss pokie wag ganyan baka ma inlove sayo uli”

In-edit din ni Pokwang ang kanyang komento.

Sabi niya, “eeewww kadiri wag na uy! dinilaan na sya ng mga pokpok sa makati at bgc hahhahaha”

Pokwang interaction with netizen

Sa story conference ng bago niyang pelikulang Slay Zone nitong nakaraang linggo, sinagot ni Pokwang ang tanong tungkol sa laki ng iginanda niya. Ganyan ba ang bitter-bitter-an?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabirong sagot niya, “Kung ganito kaganda ang bitter, siguro mas gusto kong maging bitter na lang.”

Dagdag pa ng Kapuso comedienne-TV host, “Kesa naman magmumukmok ako huhuhu! Huhuhuhu! Tapos makikita ka niya, losyang na losyang ka. Maging masaya siya lalo.

“Kailangan, 'Maglaway ka! Dami kong trabaho, beh!'"

Read: Pokwang, mas gumanda nang maging bitter dahil sa ex?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang to her followers: "Saan masarap mag-nomu? Yung makakarampa ako ha sayang ang awra kez!!!!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results