Hindi nag-atubiling patulan ng aktres na si Sunshine Dizon ang isang basher sa X (formerly Twitter) nitong nakaraang September 20, 2023.
Ito ay matapos ikumpara ng basher si Sunshine sa character actress na si Pinky Amador, na laging trending ngayon sa kanyang pagganap bilang kontrabida sa afternoon drama series ng GMA-7 na Abot Kamay Na Pangarap.
Si Sunshine ay kasalukuyang napapanood sa afternoon drama series ng ABS-CBN at TV5 na Pira-Pirasong Paraiso.
Pangungutya ng basher, mas pinag-uusapan umano ang karakter ni Pinky bilang si Moira kumpara sa karakter ni Sunshine bilang Osang.
Dagdag pa ng netizen, tila nalaos daw si Sunshine noong lumipat ito sa “Ignacia,” na ang ibig tinutukoy ay ang ABS-CBN.
Si Sunshine ay matagal na namayagpag sa mga teleserye ng GMA-7, at ngayon ay isa na siyang freelancer.
Buong komento ng basher, “Mas sikat na si Pinky Amador >> >> Sunshine Dizon. Bwahahahaha.... mas pinag-uusapan ang karakter (sa lahat ng platforms) ng una kesa sa huli.... Poor Shine, nalaos talaga sya nung nagtry sya sa Ignacia. Bwahahahaha #AbotKamayNaPangarap”
Sumagot dito si Sunshine.
Masaya raw siya kay Pinky.
Kung sinasabi ng basher na "laos" na siya, bakit pa raw siya pinag-aaksayahan ng panahon nito.
Wala na rin daw siyang nais pang patunayan dahil nakakagawa siya ng mga dekalidad na proyekto mula pa noon.
Saad ni Sunshine: “Im happy for Tita pinky. why are you wasting your time on me? diba nga laos na ko sabi mo.
"Not everyone in this business is after fame dear may taong tulad ko na wala ng gustong patunayan masaya na ako that im able to create beautiful characters and be part of beautiful stories.”
Hindi pa rito natapos ang usapan dahil muling nagkomento ang basher. Sabi nito, kailangan daw maging sikat para maging relevant.
Pero "nilalaos" daw ng ABS-CBN at hindi ma-hype ng network si Sunshine dahil wala itong love team
Pasaring ng basher, “Cut the crap about "not into fame" dahil sa kalagayan ng entertainment industry, only simpletons will believe that reasoning. Bwahaha U need fame to be relevant. Kaya nga the prob is nilalaos ka nila jan sa ABS-CBN. Bwahahaa, di ka nila mahype kasi wala kang loveteam. Bwahaha”
Buwelta naman ni Sunshine, hindi na siya kailangang i-hype pa dahil 40-anyos na siya at hindi na niya kailangan ng ka-love team sa kanyang edad.
Birada ni Sunshine: "Hindi ko kailangan ma hype kwarenta na ko hahahah im just blessed with good genes and walang retoke face ko kaya i look young. Dagdagan mo pa NG prayers para ma post mo real face at name mo baka sakali mag ka lakas ka ng loob bago mang bash"
"And you’re forgetting im already 40 why would i need a loveteam ano toh nag susumiksteen hahaha kaloka"
Pang-uuyam niya sa basher, "Stop giving me your time and attention dear, you’re making me relevant baka sumikat ako hahaha salamat ka bored ako baklang toh!"
Hindi pa rin nagpatinag ang basher dahil hinalungkat din nito ang kinakaharap umanong estafa case ni Sunshine.
Read: Sunshine Dizon, associate charged with estafa over P10M-deal
Sabi ng basher, “Jusko madam, di ka lang pala nalaos, kung anu-anong kaso na rin pala ang nasasampa laban sau? Napariwara ka yata simula lumipat ka? Why naman? Musta ang kaso?”
Babala naman ni Sunshine: “Be careful you don’t know the whole story baka madamay ka sa mga bagay na hindi mo gustuhin. Tsaka pakilala ka ng tama wag sumbrero lang para naman duwag pag ganyan”
