Nagbigay ng kanyang pahayag si Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto sa mga isyung ipinupukol sa kanya bilang pinuno ng ahensiya.
Tampulan ng batikos si Lala simula nang ipatawag at kalaunan ay bigyan ng 12-day suspension ang It’s Showtime kaugnay ng cake-icing incident sa July 25, 2023 episode ng Kapamilya noontime show.
Simula noon ay tuluy-tuloy ang pagpuna ng supporters ng It’s Showtime kay Lala, at hinihikayat siyang magbitiw sa kanyang posisyon.
Read: MTRCB condemns rape, death threats, and harassment aimed at Chairperson Lala Sotto
Binigyang-diin din ng netizens ang anila'y “conflict of interest” sa sitwasyon ni Lala bilang MTRCB chair dahil anak siya ng veteran host na si Tito Sotto, isa sa main hosts ng E.A.T. ng TV5 na katapat ng It’s Showtime.
Ang ibang netizens, inaakusahang hindi umano patas ang MTRCB pagdating sa pagpuna sa kamalian ng ibang shows, partikular ang E.A.T.
Read:
- MTRCB, rerebyuhin ang mga reklamo tungkol sa "lubid" joke ni Joey de Leon sa 'E.A.T.'
- Sorry but not sorry? Why Joey de Leon's lubid joke runs afoul of sensibilities
Nag-react si Lala sa mga isyung ito sa ginanap na press conference ng MTRCB nitong Huwebes, September 28, 2023.
Naninindigan si Lala na walang conflict of interest sa pagiging MTRCB chair niya at pagiging anak ni Tito na E.A.T. main host.
“I truly believe my being a Sotto or my father’s daughter should not be taken against me,” bungad ni Lala sa report ni MJ Felipe para sa TV Patrol.
“Instead, it should be taken positively that I am someone who grew up in the industry, I am someone who loves the industry, and understands the industry.”
Sagot naman niya sa mga kontra sa kanyang sinabi, “I really believe that we should respect other’s opinions also, that’s their opinion, there’s nothing I can do.
“I’m just doing my job humbly and justly."
Reaksiyon naman niya sa mga nananawagang mag-resign siya, “I’m not going to satisfy the whims of my detractors.”
Isang highlight sa ginanap na MTRCB presscon nitong Huwebes ay ang announcement ng ahensiya na dini-deny nila ang apela ng ABS-CBN at GMA-7 na iurong ang 12-day suspension sa It’s Showtime.
Binanggit din ng isang opisyal ng MTRCB na sa 30 board members na bumoto, 27 dito ang bumotong i-deny ang apela ng ABS-CBN at GMA-7.
Sinabi ring may pagkakataon pa ang It’s Showtime na magsumite ng motion for reconsideration kaugnay ng desisyon ng MTRCB board.
Sabi ni Lala, “This is not effective immediately. Yes, they can file a motion for reconsideration, an appeal to the office of the President. They have 15 days to do that.”
