Mukhang ipinagsisigawan ni Maureen Wroblewitz sa buong mundo kung gaano siya ka-proud sa kanyang boyfriend na si Noah Steinbuch.
Read: Is Maureen Wroblewitz’s boyfriend fellow model Noah Steinbuch?
Kahapon, October 3, 2023, nag-post si Maureen ng dalawang short videos sa kanyang Instagram Story ng lambingan nila ng model at medical student na si Noah.
Nagkataon namang ipinagdiwang kahapon sa mundo ang National Boyfriend Day.
Caption ni Maureen sa unang video, “happy bf day [heart emoji]”

Hindi madetalye si Maureen tungkol kay Noah.
Sa panayam ng PEP Troika kay Maureen noong July 2023, tanging sabi lang niya ay "I’m very happy" tungkol sa relasyon nito kay Noah.
Read: Maureen Wroblewitz, tipid ang sagot tungkol sa bagong BF na si Noah Steinbuch at ex na si JK Labajo
Base sa post ng kaibigan nilang si Marc Nelson, nasa isang beach sila sa Tingloy, Batangas.
Noong June 2023, ipinaramdam ng model-actress sa post niya sa Instagram na in love na in love siya.
Sa naturang post, makikita ang larawan ni Maureen na nakangiti habang hinahalikan siya ng isang lalaking hindi kita ang mukha sa camera.
Binati niya ang nasabing lalaki na nagdiwang ng kaarawan.
Feeling daw niya, siya ang “luckiest girl in the world” dahil sa pagiging mabait at maunawain ng lalakeng kasama.
Buong post ni Maureen, “happy birthday to the one that makes me feel like i’m the luckiest girl in the world.
“Not only because you are kind, patient, understanding with the most beautiful heart and soul but most importantly, because your gentle love teaches me how I can love myself more everyday [heart emoji]”
Noong mga panahong iyon, ay patuloy pang nanghuhula ang netizens tungkol sa katauhan ng lalake.
Samantala, nananatiling single ngayon ang ex-boyfriend ni Maureen na si JK Labajo.
Sa bago nga nitong album, may malalim na hugot si JK dahil naglalaman ng daw ito ng love songs na kanyang isinulat para sa isang taong sobra niyang pinahalagahan.
Masusi raw niyang pinili ang mga titik, salita, at musika nito na tila napunta lamang sa wala.
Hindi naman malinaw kung sino ang tinutukoy niyang taong inalalayan ng mga nasabing kanta noon.
Read: JK Labajo’s new album contains “all the songs for love turned into songs for sadness”
