PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rumored couple Zen Hernandez and Atom Araullo spotted in Hong Kong

Zen Hernandez, Atom Araullo still mum about real score of their relationship.
by Arniel C. Serato
Published Oct 10, 2023
Zen Hernandez, Atom Araullo cozy in Hong Kong
Rumored couple Atom Araullo and Zen Hernandez celebrate their birthdays with former ABS-CBN colleague Ryan Chua (in stripes polo) n Hong Kong.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Spotted sa Hong Kong ang rumored couple na si ABS-CBN News anchor Zen Hernandez at GMA Integrated News anchor na si Atom Araullo.

Tila sa Hong Kong ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang kaarawan, base sa Instagram post ni Zen.

Noong October 4, 2023 ang birthday ni Zen, at sa darating na October 19 naman ang birthday ni Atom.

Read: Netizens get kilig over new photos of rumored couple Atom Araullo and Zen Hernandez

Mukhang may reunion din sila sa dating ABS-CBN News reporter na si Ryan Chua.

Dating magkakasama sa Kapamilya network sina Zen, Atom, at Ryan.

Si Ryan ay nakabase na sa Hong Kong at birthday rin niya ngayong buwan.

Mensahe ni Zen sa kanyang post kagabi, October 9, 2023, “Happy birthday dearest bestie, @ryan_chua And thank you for the gift @chowee_hsieh! Love this pearl set from @pamanaclassicahk [heart emoji]”

Sa comments section ng post ni Zen ay bumuhos ang komento ng mga kinikilig na netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng isa, “Sir Atom Araullo, ano na? bilisan mo panliligaw mo, sagot ko na tatlong baboy pang humba pa lang yan ha. iba pa ung pang menudo at afritada”

Zen Hernandez, Atom Araullo in Hong Kong

"Yehey mgkasama cla ni sir Atom," sabi naman ng isa pang kinilig na fan.

Zen Hernandez, Atom Araullo in Hong Kong

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Suhestiyon ng isa, "Happy birthday po, sana magpakasal na kayo ni Sir Atom"

Zen Hernandez, Atom Araullo in Hong Kong

Ayon sa isa pa, "thing na thing! ?? bakit ako yata ang kinikilig. Happy bday!"

Maiksing komento ng isa, "sila na nga..."

Zen Hernandez, Atom Araullo in Hong Kong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bagay na bagay waiting for next chapter," sabi ng umaasang magkatuluyan na nga ang dalawa.

Zen Hernandez, Atom Araullo in Hong Kong

Napansin naman ng mapanuring mata ng isang netizen na parehong kulay ang suot na damit nina Zen at Atom.

Aniya, "same color ng damit, sana kayo na talaga, fan na fan niyo ako."

Zen Hernandez, Atom Araullo in Hong Kong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Atom ay may mga post din sa Instagram Story niya na kuha sa ilang lugar sa Hong Kong.

Atom Araullo IG Stories

Atom Araullo IG Stories

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, may hiwalay na post si Ryan sa kanyang Instagram.

Saad niya sa caption, “Birthday month reunion”

Kasama nina Zen, Atom, at Ryan sa larawan ang partner ng huli.

View this post on Instagram

A post shared by Ryan Chua ??? (@ryan_chua)

Naging Instagram official sina Atom at Zen noong October 2022.

Read: Jowa reveal! Kapuso Atom Araullo posts couple photo with Kapamilya Zen Hernandez

Unang napansin ng netizens ang closeness nina Atom at Zen dahil sa post ng kapwa nila news anchor na si Pinky Webb nang maispatan niya ang dalawa na nagbabakasyon din sa Balesin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon.

Read: Are news anchors Atom Araullo and Zen Hernandez in a relationship?

Hanggang ngayon ay wala pa ring tuluyang pag-amin sina Zen at Atom sa real score ng kanilang relasyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple Atom Araullo and Zen Hernandez celebrate their birthdays with former ABS-CBN colleague Ryan Chua (in stripes polo) n Hong Kong.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results