PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elsa Droga saddened by It's Showtime suspension

Today, October 14, 2023, ang start ng 12-day suspension.
by Rommel Gonzales
Published Oct 14, 2023
It's Showtime segment Miss Q & A 2018 contestant Elsa Droga
Miss Q & A 2018 grand finalist Elsa Droga: “Showtime is the best talaga, kaya sana bigyan ng pagkakataon ng MTRCB ulit.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales; @praybeytbenjamin on Instagram

Grand finalist si Elsa Droga sa segment na "Miss Q and A" ng It’s Showtime noong 2018 kaya hiningan siya ng comment tungkol sa suspension ng noontime show.

Lahad ni Elsa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakalungkot po, kasi naging pamilya po namin ang Showtime, e, so doon po ako nakilala.

"Parang sa akin, isa yun sa mga platforms na nagpapakilala ng iba’t-ibang klase ng tao, sila yung nagpapakilala sa buong mundo ng mga may potential.

“So nung nalaman ko na suspended ang Showtime nakakalungkot siya. Pero may mga platforms po na napapanood pa din.

"Ang nakakadismaya lang po sa amin is sana mabigyan ng pagkakataon ang Showtime na maipalabas uli sa television, dahil ang Showtime family po is lagi pong nagbibigay ng kasiyahan sa mga taong nalulungkot, sa mga taong depressed.

Showtime is the best talaga, kaya sana bigyan ng pagkakataon ng MTRCB ulit.”

Simula sa Sabado, October 14, 2023, suspendido ang It’s Showtime dahil sa hatol ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na nag-ugat sa pagkain ng icing ng cake nina Vice Ganda at mister nitong si Ion Perez mula sa kanilang mga daliri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 8 cake-related incidents that made news

Nangyari ito sa "Isip Bata" segment ng show noong July 25, 2023.

ELSA DROGA HOPES TO APPEAR ON ABS-CBN AGAIN

Kailan muli mapapanood sa TV si Elsa?

“Mapapanood ninyo po ako siguro pag nahuli po ako, sa TV Patrol po,” at tumawa ang komdeyante.

“Hindi, for me naman kasi po, sobrang ano na talaga ko, from Miss Gay lang ako nakilala, hindi naman talaga ako…'Miss Q and A' sa Showtime po, dun lang po talaga ako nakilala.

“Hindi din po ako naging artist na magaling umarte, so nung nag-start po akong kunin ni Meme Vice sa movie niya po nung MMFF, ayun po yung pinaka-kauna-unahan kong guest na umarte."

"So nabigyan po ako ng opportunity, so this time ang dami ko na pong nagawang series, nakakasama na po ako sa mga films."

Ang project ni Vice na tinutukoy ni Elsa ay ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad (2017). Nag-appear din siya sa Papa Pogi (2019) and Amore (2020).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat naman tayo may pagkakataon na kunin ulit, if ever na i-invite po kami ulit sa Showtime, pag pinatawag po kami ng production, pupunta po kami agad sa Showtime kasi sila po yung nagpakilala sa amin.

“Naghihintay lang po ako ng opportunity na makabalik sa television.

"Pero mas priority ko din po yung mga shows sa mga fiesta. Ang pinaka-work ko po ngayon is raket po talaga sa iba’t-ibang town fiestas.”

May contract ba si Elsa sa It’s Showtime?

“Ano lang po kami, parang on-call contract lang po. Pag kailangan ng 'Miss Q and A' ng mga bakla, minsan nag-ge-guest po kami.

“Yung last time na birthday concert po ni Sir Ogie Alcasid, pinatawag po yung mga 'Miss Q and A,' kung sino lang po yung kailangan na mga kabaklaan.”

Si Juliana Parizcova Segovia ang tinanghal na Miss Q and A 2018 grand winner, at bigo mang maiuwi ang titulo ay wagi naman si Elsa ng special award bilang Beks In Costume.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung sakaling gusto siyang i-guest ng Eat Bulaga! or sa E.A.T si Elsa, puwede ba?

“Hindi ko sure, e, di pa ko sure, e. Tatanong ko muna sa Showtime,” at tumawa ito.

“Wala po akong manager, pero if ever naman po siguro papayagan naman po ako, kasi collaboration na po ang GMA at ABS-CBN, puwede naman po siguro.”

Sino ang kino-contact kapag kukunin siya para sa mga provincial shows at projects?

“Through ano lang po, wala po kasi akong manager ngayon, e, bale direct lang po sa aking IG and Facebook account, via Elsa Droga lang po.”

Latest project ni Elsa ang ONLINE IN LOVE (Influencers Series), kung saan introducing sa lead roles sina Gab Rosales at Daniel Bautista, kasama sina Jassy Calupitan, Jewel Gines, Marissa Joelle, Pink Rose, at Oreo Libios.

Ang limited online series na ito ay sinulat ni Eldrin Veloso, at line produced by Mabuhay PH.

Ang executive producer ay si Marissa Joelle, na kandidata rin sa Mrs. Philippines 2023, at ang direktor ay si Jag Cruz, isang indie filmmaker na siya ring director ng A Journey With Joanna Marie, na isang lifestyle show aired over Light TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STRUGGLES OF GAY COMEDIANS

Natanong naman si Elsa, ano ang struggle ng isang gay comedian?

“Ang struggle po ngayon bilang isang baklang komedyante is sa sobrang dami ng comedian na sumikat talaga, talagang ginagalang po namin yung mga nauna pa.

“Kasi kami lang po yung sumibol lang po na tina-try namin yung best namin para mas ma-improve namin yung sarili namin to perform, at maipakita namin sa maraming tao na kaya namin kahit baguhan kami.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Q & A 2018 grand finalist Elsa Droga: “Showtime is the best talaga, kaya sana bigyan ng pagkakataon ng MTRCB ulit.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales; @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results