Napasalampak sa lapag habang umiiyak sa tuwa si Megastar Sharon Cuneta matapos niyang personal na makita at makausap ang iniidolo niyang K-pop star na si Taemin.
Si Taemin, 30, ay isang singer, actor, at dancer mula sa sikat na South Korean boy band na SHINee.
Kagabi, October 13, 2023, isa si Taemin sa South Korean acts na bahagi ng K-Magic Live concert na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bukod kay Taemin, nag-perform din ang kapwa niya K-pop idols na sina Yugyeom ng GOT7 at Hyoyeon ng Girls Generation.
Sa pamamagitan ng Instagram, proud na ibinahagi ni Sharon ang dream come true na pagkikita nila ni Taemin.
Sa kanyang sunud-sunod na posts, makikita ang mga litrato nila ni Taemin, maging ang video kung paano niya nilapitan backstage ang K-pop idol at paghingi niya rito ng selfie.
Mababasa sa una niyang post (published as is), “YES!!! I met Taemin Oh. My. Gosh. Thank you Jesus! Naiyak ako.”
Read: SHINEE's Choi Minho dances to Sarah Geronimo's "Dati Dati"
Ayon pa kay Sharon, hindi niya sukat-akalaing makakadaupang-palad niya ang kanyang ultimate idol na inilarawan niya bilang mabait, humble, at mas guwapo sa personal.
Aniya, "Di ko kinakaya ito! So unexpected!
“I didn't even make a request, but God was watching me.
"Thank you so much Taeminssi!
“You are so nice and humble and more handsome in person.
“Like I promised, I will always pray for you! God bless you!”
Hinding-hindi rin daw makakalimutan ni Megastar ang gabing iyon.
Read: Sharon Cuneta says husband Kiko Pangilinan won't watch her concert with ex-husband Gabby Concepcion
Samantala, sa comments section ng kanyang Instagram post ay bumuhos ang suporta ng ilan sa kanyang mga tagahanga kabilang na ang “Shawols,” tawag sa fans ng SHINee.
Komento ng isang netizen (published as is), “Deserved mo po siyang mameet! Congratulations fellow Shawol.”
Saad pa ng isa, “Well deserve!!! As a fellow Shawol, so happy for you, my mega.”
Dagdag pa ng isa, “Grabe!!! I’m so happy for you Ms. Shawie!! Pero ano kaya feeling ni Taemin na isang Megastar yung fan niya.”
Noong May 2022, nakita rin ni Sharon ang isa pang miyembro ng SHINee na si Key, nang dumalo ang Megastar sa Begin Again: KPOP Edition concert na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Read: Sharon Cuneta cries while watching K-pop star Key of SHINee
