Ikinatuwa at ikinagulat ng mga manonood ng E.A.T. ang sorpresang pagbisita ni former Eat Bulaga! host na si Jimmy Santos, para sa kanilang episode ngayong Sabado, October 14, 2023.
Isa si Jimmy sa espesyal na bisita ng noontime show para sa selebrasyon ng ika-77 kaarawan ni Joey de Leon.
Sa segment ng E.A.T. na "Gimme 5" nangyari ang special appearance ni Jimmy nang ipakilala siya ni Wally Bayola, bilang Daddy Ethan, na diumano’y driver niya mula sa skit nila ni Atasha Muhlach.
Read: Atasha Muhlach ipinakilala na bilang bagong Legit Dabarkads
Bakas sa mukha ng ilang Legit Dabarkads ang pagkagulat dahil wala silang ideya na darating si Jimmy.
Dahil dito ay naging emosyonal ang E.A.T. hosts na sina Paolo Ballesteros, Allan K, Wally, at Vic Sotto.
“Happy birthday. Alam mo naman na hindi kita makalimutan,” bungad ni Jimmy kay Joey sabay abot sa dala nitong cake.

Hiniritan naman siya agad ni Vic na magbigay ng mensahe kay Joey.
Mensahe ni Jimmy para sa tinaguriang Henyo Master, “I like to greet you a happy, happy, happy birthday.
“Whatever happens in this country, I still love you all three times a day.”

Bukod kay Joey, may mensahe rin si Jimmy sa viewers ng E.A.T. kung saan nabanggit niya pa ang pangalan ng dating noontime show ng TVJ sa GMA-7.
Saad ni Jimmy, “Especially those people [studio audiences] surrounding vicinity.
“I miss you all. Thank you very much, still here Eat Bulaga! is still here to stay.”
Natatawa naman siyang itinama ni Vic.
“Mali, mali, E.A.T., wala ka talagang kupas,” sabi sa kanya ni Vic.
Mabilis naman itong tinama ni Jimmy, “E.A.T. pala is here to stay. Thank you so much.”
Read: ‘E.A.T.’ apologizes to MTRCB for Joey de Leon’s “lubid” joke
December 2021 nang huling mapanood si Jimmy sa Eat Bulaga! matapos niyang mapasama sa Christmas episode ng sikat na segment na “Bawal Judgmental” ng longest-running noontime show.
Read: Fake news alert: Jimmy Santos, di totoong naghihirap at nagbebenta ng karne sa palengke
Sa ngayon ay sa Canada na kasalukuyang naninirahan si Jimmy. Bagamat hindi na siya aktibo sa telebisyon, pelikula, at hosting, very active naman siya sa paggawa ng vlog sa kanyang YouTube channel.
Read: Former Dabarkads Jimmy Santos ventures into Canada's recycling business
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang kumpirmasyon kung babalik na ba sa pagho-host si Jimmy sa E.A.T.
Read: MTRCB, rerebyuhin ang mga reklamo tungkol sa "lubid" joke ni Joey de Leon sa 'E.A.T.'
