Mainit at kapana-panabik ang mga tagpo sa Linlang top-billed by Kim Chiu, JM De Guzman, and Paulo Avelino.
The series aired its pilot episode last October 5, 2023, and eight episodes have been released so far with running time of about one hour each.
Weekly ang release of two episodes at a time on Prime Video every Thursday.
At marami ang nabibitin dahil sa mga kapana-panabik na eksena, na minsan ay nakakatawa rin.
Narito ang ilan sa trending scenes and lines sa released episodes ng Linlang.
Sunugin nang buhay ANG KABIT
Nagpunta si Amelia (Maricel Soriano) sa bahay ni Pilar (Ruby Ruiz) para makapag-usap tungkol sa mag-asawang sina Victor (Paulo Avelino) at Juliana (Kim Chiu).
Stepmom ni Victor si Amelia, na mom ni Alex (JM De Guzman). Lola ni Juliana si Pilar.
Doon nagpang-abot sina Amelia at Juliana, kaya tanong ng una, “Maghihiwalay na kayo ni Victor? Narinig kong nag-uusap kayo ni Victor kagabi.”
At this point, hindi pa alam ni Victor kung sino ba talaga ang kabit ng asawa niya, but it definitely is not Lucas, her former boss.
Umiwas si Juliana sa dalawa in an attempt na tapusin na ang usapan.
Pero sumbat na binitawan ni Amelia sa manugang nito, “Hoy, ikuwento mo! May babae ba? May babae ba yung anak ko?
"Naku, iyan na nga ba ang sinasabi ko, e. Ang hirap talaga kapag nagkakalayo ang mag-asawa.
"Hindi naman sa nakikialam ako, pero gusto ko lang sabihin sa iyo na may anak kayo, ha. Uunahin niyo pa ba talaga ang sarili niyo bago niyo unahin yung bata?”
Tanging nasabi ni Juliana kay Amelia, “Ma, hindi niyo po ako naiintindihan.”
Sabat ni Pilar, “Paanong hindi ka maiintindihan ni Amelia e niloko iyan ng asawa niya.
"Hindi ba nga, anak sa labas si Victor ng asawa niya [Amelia]. Pero hindi siya basta bumitaw dahil inisip niya ang kapakanan ng anak niya."
Susog na paalala pa ni Pilar kay Juliana, importanteng ayusin nila ni Victor ang gulo nilang mag-asawa. Amelia is the legal wife, habang ang ina ni Victor [Paulo Avelino] ang kabit ng ama nina Alex [JM De Guzman] at Victor.
"O, tingnan mo naman ngayon si Alex [JM De Guzman] kung nasaan siya.
"O, di ba, napaka-successful? Hindi siya magkakaganyan kung nasira ang pamilya niya, hindi ba, balae?”
Pagsang-ayon ni Amelia, “Oo, tama ka dun, balae.”
Pagpapatuloy pa nitong may gigil sa tono, “Biro mo, kung sinukuan ko ‘yung relasyon naming dalawa, e, di parang pinayagan kong manalo sa harap ko ang nanay ni Victor?
"Bakit ganon, sila na nga ang may kasalanan, e, bakit sila pa ang magkakaroon ng karapatan maging masaya?
"Isang taon mahigit ko yatang pinaramdam sa kanya na kabit siya… kaya siguro maagang namatay.”
Pagkatig ni Pilar kay Amelia, “Hindi naman kasi dapat hinahayaang sumaya ang mga babaeng katulad nila, e. Dapat nga diyan sinusunog nang buhay, e.”
Mahina ngunit mabigat ang reaksiyon ni Amelia, “O hayaan na lang mamatay.”
At this point, hindi pa alam ni Pilar at Amelia na si Juliana ang guilty party sa usaping ito.
And just like in the past movies or series, mabenta ang mga linya tungkol sa mga kabit.
PAANO SIYA MAGIGING martir...
After her confrontation with Pilar and Amelia, Juliana told Victor na huwag na makialam sa kanila ang stepmother niya.
Rant ni Juliana sa asawa, “Sabihan mo yung mama mo ha, wag siyang mangingialam sa atin. Gusto niya maging martir ako kagaya niya tulad ng ginawa niya sa tatay mo.”
Walang kaabug-abog na sagot ni Victor, “Tama ka, mahirap nga yun. Paano ka magiging martir, e, ikaw ‘yung nanloko?”
Medical scare
Pagkatapos niyang ibuhos ang lakas sa pagbo-boxing, Victor collapses and is confined sa ospital for a brief period. Pinayuhan siya ng doktor to take it easy dahil dehydration at stress ang sanhi kaya siya bumagsak.
The scene shifts to Victor training sa gym and doing shadow boxing.
Alex enters the gym at pinaparating sa kapatid na invited ito at si Juliana sa awarding ceremony ni Amelia bilang ulirang guro.
During their friendly sparring session, Victor mentions na nagkasakit siya.
When Alex asks ano ang sakit niya, he answers, “HIV,” saka nasapak ni Victor si Alex, who falls to the ground.
Hindi lang mag-asawang sampal
Awarding day na ni Amelia attended by her sons Victor with wife Juliana and Alex with wife Sylvia (Kaila Estrada).
Pero biglang missing in action sina Alex at Juliana so hinanap sila ni Amelia.
It turns out they are somewhere in the vicinity, at pinag-uusapan nila ang “revelation” ni Victor na may HIV ito.
Huli sa akto ng gurong ina ang dalawa na magkayakap. At kasabay ng kanyang awarding day ang pag-award niya kay Juliana ng maraming sampal.
Pambungad ni Amelia kay Juliana, “Walanghiya ka, talagang malandi kang babae ka.”
Pasigaw pa niyang sumbat, "Saksakan ka ba talaga ng kati? Wala ka bang kahihiyan?" sabay sampal kay Juliana, kinaladkad at sinabunutan.
Alex pleads with his mom, “Tama na, ‘ma.”
Maanghang ang naging sagot ni Amelia habang dinuduro ang anak, “Tama na? Ikaw ba alam mo kung kailan tama na? May asawa kang tao, di ba?
"Pinatulan mo may asawa. Asawa pa ng kapatid mo. Hindi ka na nahiya.”
Sabay bunton niya kay Juliana, “Ikaw, layuan mo ang anak ko. Tinuhog mo pa yung magkapatid ko. Bakit ganun ka?
"Saksakan ka ba talaga ng kati? Wala ka bang kahihiyan?”
Pangangatwiran ni Juliana, “Bakit ako lang po yung sinisisi niyo? Pareho naman naming ginusto ni Alex ito, e,” at nakatanggap ito ng maraming sampal mula kay Amelia.
Banta pa ni Amelia, “Ayaw mong tigilan yung magkapatid ko ha? Ayaw mo tigilan? Ito ang mapapala mo!”
At muling pinaulanan niya ng sampal si Juliana nang buong gigil at galit.
Nag-trending ito dahil proud sinambit ni Kim sa mga interviews niya na na-uncheck na niya ang isa sa bucket list bilang aktres: "Ang masampal ng isang Maricel Soriano."
Grandmother’s advice
Pilar confronts Juliana who answers in defiance, "Anong aaminin ko? Wala!"
Sagot naman ni Pilar, "Mahal na mahal kita, apo, tingin mo ba hindi masakit sa akin itong pagdudahan ka ng ganito?"
Natigilan si Juliana.
Pagpapaliwanag ng lola niya, "Sana nagsasabi ka ng totoo dahil kung may bahid ng katotohanan ang sinasabi ni Victor, e, para mo na ring sinabing mali ang pagpapalaki ko sa iyo."