Tinawag na “bida-bida” ng incoming PBA player na si Ricci Rivero ang isang basher na sinabihan siyang huwag manood ng basketbal game ng UP versus La Salle sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) game.
Naganap ang laban ng dalawang koponan sa Mall of Asia (MOA) Arena noong October 18, 2023.
Kasama ni Ricci na nanood ng game ang rumored girlfriend niyang si Leren Mae Bautista.
Read: Ricci Rivero, Leren Mae Bautista spotted anew at UAAP game
Kasama ring nanood nina Ricci at Leren ng UAAP game ang ama ni Ricci na Ruzcko Rivero.
Ito pa nga ang nag-upload sa Instagram Story ng selfie nila kung saan nilagyan niya ito ng isang heart at praying hands emojis.

Sa X (formerly Twitter) noong araw ring iyon, isang basher ang tila nag-udyok sa kanyang "maglaba" na lamang imbes na manood ng laro.
Ayon sa basher, “MAGLABA KA NALANG PLS WAG KA NA MANOOD NG UP GAMES [praying hands, crying emojis] @_ricciiirivero”

Tila galing sa panayam noon sa ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes ang sinabi ng netizen.
“Iiyakan ko yung lalaki na hindi nagpapa-laundry ng isang taon?” patutsada noon ng aktres sa ex-boyfriend na si Ricci.
Read: Ricci Rivero, ayaw nang patulan ang pahayag ni Andrea Brillantes tungkol sa laundry
Hindi madalas pumapatol si Ricci sa basher pero sinagot niya ang nasabing netizen.
Buwelta niya, “ah wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? Lol as bida bida”

Ilang netizens ang tila sumang-ayon pa sa basher:


Hanggang ngayon ay wala pang tuwirang pag-amin sina Ricci at Leren tungkol sa totoong estado ng relasyon nila.
Pero noong June 12, 2023, naglabas ng opisyal na pahayag ang opisina ni Bb. Pilipinas Globe 2019 at incumbent Los Baños, Laguna Councilor na si Leren tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan nina Ricci at Andrea.
Sa official statement na inilabas, mariing sinabi ng kampo ni Leren na ang mga alegasyon laban sa beauty queen-politician ay "entirely false and have no basis in reality."
Makaraan ang ilang buwan ay madalas nang mamataan sina Ricci at Leren na magkasama.
