PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela: Claudine Barretto Is My Role Model

Rita to Claudine: "Hope to work with u, idol!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 20, 2023
Rita Daniela fangirls over Claudine Barretto
Kapuso actress-singer Rita Daniela (in silver top) could not contain her excitement after having a face-to-face encounter with her "idol" Claudine Barretto: "Isa ka po sa tinitingala ko bilang aktres. Hope to work with u, idol!"
PHOTO/S: Rita Daniela Instagram

Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ngayon ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela sa pagbabalik sa GMA-7 ng iniidolo niyang si Claudine Barretto, makalipas ang labindalawang taon

Ito'y matapos inanunsiyo ni Claudine sa kanyang Instagram account na tuloy na tuloy na ang pagbabalik niya sa primetime ng Kapuso network para sa drama series na Lovers/Liars.

Read: Claudine Barretto, gagawa ulit ng teleserye sa GMA-7 pagkatapos ng 12 taon

Co-production venture ng Regal Entertainment Inc. at ng GMA Network Inc. ang Lovers/Liars, na mapapanood simula sa susunod na buwan, Nobyembre 2023.

Ito ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Unbreak My Heart, ang primetime series na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria, na nauugnay kay Raymart Santiago, ang estranged husband ni Claudine.

Read: Claudine Barretto on annulment with Raymart Santiago: "Siya ang may kailangan, siya ang gumastos."

Sa Instagram nitong Huwebes, October 19, 2023, hindi napigilan ni Rita ang kanyang saya na nasa iisang bakuran na sila ng iniidolo niyang si Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So so happy to know that u will be doing a serye with @gmanetwork!!" saad ni Rita sa kanyang post, kalakip ang litrato nila ni Claudine.

Pagtatapat pa ni Rita, isa si Claudine sa tinitingala niyang artista sa showbiz industry, kaya ganoon na lamang ang kayang galak nang makita at makakuwentuhan niya ito nang personal sa isang birthday event na parehas nilang dinaluhan kamakailan.

Aniya, "One of my dreams came true when i saw you at @dr.rfdsmile’s bday tapos may picture pa at konting kwentuhan!! grabe."

"Isa ka po sa tinitingala ko bilang aktres."

Umaasa rin ang Kapuso singer-actress na makasama't makatrabaho niya si Claudine.

Saad ni Rita, "Hope to work with u, idol! @claubarretto congratulations again."

Agad naman siyang nireplayan ni Claudine.

Mensahe nito, "Aww [red heart emoji] so sweet."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, marami rin sa kanilang fans ang natuwa sa pagkikita ng dalawa.

Anila, hindi kataka-takang magkatotoo ang hiling ni Rita lalo na't parehas daw silang may ibubuga bilang mga artista.

Komento ng isang netizen, "Petition for them to be in a teleserye as magkapatid. ang gaganda huhu."

Sabi pa ng isa, Sana mabigyan po kayo ng chance na magkasama sa work together, tutal parehas naman kayong magaling."

Hirit pa ng isa, "@gmanetwork @gmadrama please collab teleserye for Rita and Claudine."

Read: Rita Daniela reveals challenges of being single mom, and co-parenting setup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress-singer Rita Daniela (in silver top) could not contain her excitement after having a face-to-face encounter with her "idol" Claudine Barretto: "Isa ka po sa tinitingala ko bilang aktres. Hope to work with u, idol!"
PHOTO/S: Rita Daniela Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results