PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz on son Elias: "Iniligtas niya yung buhay ko."

John Lloyd thanks Ellen Adarna and Derek Ramsay in helping him to raise Elias.
by Jojo Gabinete
Published Oct 24, 2023
john lloyd cruz son elias
John Lloyd Cruz on son Elias: “Hindi ko ma-imagine yung buhay ko kung paano magtutuloy kung hindi dumating si Elias. Ang dami niyang ibinigay na bago. Bagong kahulugan, bagong duties, mga bagong... all of sudden, iba na yung tingin mo sa lahat.”
PHOTO/S: @isabelreyes on Instagram / GMA Network

Walang kundisyong hiningi si John Lloyd Cruz nang tanggapin nito ang imbitasyon para maging bisita ni Boy Abunda sa week-long birthday celebration ng TV host sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7.

Sinabi ni John Lloyd na sasagutin niya ang lahat ng mga tanong ni Boy. At tulad ng binitiwang salita, sinagot ng award-winning actor ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kanyang personal at propesyonal na buhay.

Read: John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, aksidenteng nagkita sa 'Fast Talk' studio

“Parang ang daming nagbago pero parang ganoon pa rin lahat,” sabi ni John Lloyd sa pakikipag-usap niya kay Boy sa episode ng Fast Talk na umere ngayong Martes ng hapon, Oktubre 24, 2023.

“Itong paglabas sa panahong ito, yung paglabas ko ngayon, nag-makeup ako ulit, nagbihis. Parang bago ulit.

"Ilang beses na natin itong ginawa, pero dahil siguro sa nagdaan na panahon, sa mga nagdaang pagsubok, sa mga nagdaang learning, parang may bago siyang ibig sabihin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Boy kay kay John Lloyd, "Are you happy?"

Sagot ng aktor, “Sobra! Lalo na today ang dami kong nakita mga tao. Wow, talagang naks!

"Alam ko, paghiga ko mamaya, maganda itong araw na ito."

JOHN LLOYD ON SON ELIAS

Napangiti at nagliwanag nang husto ang mukha ni John Lloyd nang mapag-usapan nila ni Boy si Elias, ang anak ng aktor sa dating karelasyon niya na si Ellen Adarna.

Read: John Lloyd Cruz, makakapiling ang anak na si Elias ngayong Pasko

Saad niya, “Sobrang panalo. Napakasuwerte ko.

"Yun ang naging pinaka-role niya sa buhay ko, nung dumating na siya. Yun talaga yung wow.

"Siguro yung pinakasimpleng maipapaliwanag ko is, si Elias, parang iniligtas niya yung buhay ko.

“Hindi ko ma-imagine yung buhay ko kung paano magtutuloy kung hindi dumating si Elias. Ang dami niyang ibinigay na bago.

“Bagong kahulugan, bagong duties, mga bagong... all of sudden, iba na yung tingin mo sa lahat,” tatay na tatay na pagsasalarawan ni John Lloyd tungkol kay Elias.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

john lloyd cruz son elias

CO-PARENTING STATUS WITH ELLEN

Nang maging paksa ang co-parenting agreement nila ni Ellen kay Elias, sinabi ni John Lloyd na ayaw niya na magpanggap.

Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz's financial obligations to Elias: "He insisted on doubling it"

Aniya, “It’s a little bit of a challenge. Ayokong i-sugarcoat kasi ayokong mag-pretend.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We’re co-parenting, but depende sa definition ng co-parenting.

“Ako, from my end, to simplify, paano ko ba siya [Elias] pinapalaki? Siguro yung to live without imposing.

"Gusto ko siyang tanungin and gusto ko siyang mag-develop ng sarili niyang capacity to decide on certain things.

“Siyempre yung mga bagay na hindi pa niya kayang desisyunan, yun ang role namin.

“Sa nakikita ko naman, napakasuwerte ko. Marami diyan, yung similar cases kagaya sa akin, much, much lesser yung time with the child or have a small time sa call.

"Kaya napakasuwerte ko, kaya ako ay nagpapasalamat kay Ellen, kay Derek dahil iniisip nila yung kapakanan ng bata.”

Ang tinutukoy na "Derek" ni John Lloyd ay ang mister ni Ellen na si Derek Ramsay, na tumatayong pangalawang ama ni Elias.

Read: Derek Ramsay takes on dad duties; picks up Elias from school

ellen adarna derek ramsay elias

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON ANSWERING ELIAS'S QUESTIONS

May mga pagkakataong may mga tanong si Elias na nahihirapan si John Lloyd na sagutin. Pero diumano, maraming mga simpleng aral sa buhay ang natututunan ng aktor mula sa kanyang anak.

“Lahat ginagawa namin. Lahat pinag-uusapan namin.

"We’d like to talk about animals. We’d like to talk about the universe, we talk about the planets.

“Ayoko ring tanungin, medyo malupit na. Sabi niya, ‘Saan tayo nagdarasal? Who do we pray to?’

“Sabi ko, 'God.' Sabi niya, ‘E, si God, kanino nagdadasal?’

“Naihi yata ako, umalis ako!” natawang kuwento ni John Lloyd.

Dagdag niya, “Ang dami kong learnings din kay maliit [Elias]. Ang dami niyang itinuturo sa akin na bago at makabuluhan at elemental sa edad ko ngayon. Napaka-powerful nila.”

Parehong mga artista sina John Lloyd at Ellen kaya hindi malabo ang posibilidad na kapag lumaki si Elias, maaaring sundan nito ang yapak sa showbiz ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may sagot ang aktor kung sakaling dumating ang panahon.

Makahulugan niyang pahayag, “Like I said, live without imposing. Ang mas nakikita ko is yung elemental, yung time, yung timing.

“Kung ngayon, kung may makita ka, hindi ako sure pero mas gusto kong sundan kung ano yung… kung mahilig siya sa sports. Kung anuman yung kakahiligan nung bata.

“Ang pinakawindang talaga ako is nung dumating siya, ang daming sagot na nag-surface. Na, bago yung wala pa siya, yun ang hinahanap ko.

“And then, ibibigay siya sa yo na napakasimple lang. Ganoon lang pala yon. Ang dami kong dinaanan.

“I always tell him, 'I think okay yon.' Ayoko kasing mag-encourage, siyempre kanya-kanya naman ang bawat relationships.

“Ako, when I appreciate it, I tell him, ‘Anak, ha, thank you. Thank you for today, anak.'

“At night, when we say our last words for the day, laging kasama yon. We thank each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung last time na pagdating na pagdating ko, from the airport, dinalaw ko siya. First time kong narinig yung ‘I am so happy to see you.’”

Muling natawa si John Lloyd sa kanyang sinabi na ang pagiging reklamador ang isa sa kanyang mga ugali na ayaw niyang manahin ni Elias pero minana nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on son Elias: “Hindi ko ma-imagine yung buhay ko kung paano magtutuloy kung hindi dumating si Elias. Ang dami niyang ibinigay na bago. Bagong kahulugan, bagong duties, mga bagong... all of sudden, iba na yung tingin mo sa lahat.”
PHOTO/S: @isabelreyes on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results