Tila nasa cloud nine pa rin si KC Concepcion ngayong magkakaroon ng reunion concert ang kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Sa darating na Biyernes, October 27, 2023, mangyayari na ang Dear Heart The Concert ng dating mag-asawa sa Mall of Asia Arena.
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram ngayong araw, October 24, ibinahagi ni KC ang kanyang mga sulat sa inang si Sharon noong bata pa siya.
Kalakip nito ang baby photos niya kasama ang mga magulang.
Nakasaad sa isang sulat, “Dear Mommy,
“I hope I can go with you now. I love you so much. I will write you always again okay.
"Sana papa stays with us so we will be a complete family like what you said in your letter.
“I love you so much talaga okay.”

Sabi ni KC sa caption, akala niya ay mananatili na lamang fairytale ang isang fairytale, at wala naman daw siyang problema rito.
Hindi rin daw niya akalaing pagkatapos ng mahabang panahon ay magkakaroon ng reunion ang kanyang “Mama and Papa."
Tila nagpapatunay raw ito na ang fairytale ay maaari din palang mangyari sa totoong buhay.
Matagal na kasing hiwalay sina Sharon at Gabby.
Buong caption niya, “Sometimes talaga ang fairytale will remain to be a fairytale lamang… Pero that’s okay!
“Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life. Imagine, 3 days nalang at magsasama sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years…
“May ganito pa palang pwedeng mangyari!!!
“Fairytale come true parin naman, diba?
“Letters to Mama. Care of mama.”
View this post on Instagram
Komento naman ng kanyang boyfriend na si Mike Wuethrich, “Super excited for you [heart emoji]”

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging partisipasyon ni KC sa reunion concert ng kanyang mga magulang.
