Kung mayroon mang isang gustong mangyari ngayon si KC Concepcion sa kanyang buhay, ito ay maayos ang relasyon nila at maging magkaibigan sila uli ng inang si Sharon Cuneta.
Read: Talent manager close to Sharon Cuneta and family speaks up on the Megastar and KC Concepcion rift
Ito ay sa gitna ng sigalot sa pagitan ng mag-ina, kung saan dawit din ang stepfather ni KC na si Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan.
Si KC ay ang nag-iisang anak ni Sharon sa una nitong asawa na si Gabby Concepcion.
Sa panayam ni KC sa Updated with Nelson Canlas podcast noong September 9, 2023, natanong siya tungkol sa mga personal niyang desisyon sa buhay.
Inusisa ng GMA Integrated News entertainment reporter si KC kung may mga bahagi ng kanyang buhay ang babaguhin niya kung may kapangyarihan siyang baguhin ito.
Mabilis at natatawang na sagot ni KC, "Wow, big question!"
Sa puntong ito ay naging seryoso na si KC, at sinabing ang nais lamang niya ay bumalik sa dati ang relasyon nila ni Sharon.
Saad niya, "Of course, there are. You know, I really would like for my mom and I to be best friends again.
“There’s a lot of years that have gone by na, you know, siyempre may mga destructions kami and I know later on in life, we will be better than ever."
Diin pa ni KC, magkatampuhan man sila ng ina, ang pagmamahal niya rito ay hinding-hindi mababago.
Umaasa rin siyang darating ang panahong maaayos nila ang ang kanilang gusot.
Sabi niya, “Hindi mawawala yung pagmamahal namin sa isa’t isa.
"And siguro, one day, kapag ikinasal na ako and kapag nagkanak na ako, I think that would bring my mom and I closer than ever.”
Read: Talent manager close to Sharon Cuneta and family speaks up on the Megastar and KC Concepcion rift
May mensahe ring ipinaabot si KC sa kanyang ina.
Aniya, “I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya.
"Yung talaga. Nanay ko siya! [Ako ang unang-unang Sharonian], dugo niya, dugo ko."
Dagdag pa ni KC, “Kung ang lola ko nga, inalagaan naming mag-nanay, what more siya?
"Yun lang yung sa kin.”
Ang tinutukoy ni KC na "lola" ay ang yumao niyang maternal grandmother na si Elaine Cuneta.
KC-SHARON RIFT
Unang umugong ang usapang may namumuong hidwaan sa pamilya ni KC noong August 29, 2023.
Ito'y matapos niyang i-unfollow sa Instagram sina Kiko at Frankie.
Read: Did KC Concepcion unfollow stepdad Kiko Pangilinan, half-sister Frankie on Instagram?
Kinabukasan, August 29, mismong si KC na ang nagkumpirmang in-unfollow nga niya sa Instagram ang kanyang stepdad at half-sister.
Wala siyang sinabing dahilan bukod sa nais lamang daw niyang alagaan ang kanyang mental health para na rin sa kanyang peace of mind.
