Sunud-sunod ang mga cryptic message ng beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren Mae Bautista matapos ang pinag-uusapang pagsasapubliko ni Ricci Rivero ng kanilang relasyon.
Read: Meet Leren Mae Bautista, beauty queen-turned-councilor from Laguna
Noong October 24, 2023, ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story ang quote mula sa educator at independent historian of psychoanalysis na si Jay Sherry.
Nakasaad dito, “I have no energy for hate. I either love you, wish you well or hope you heal.”

Kasunod nito ay nagbahagi naman siya ng isa pang quote mula sa anonymous author.
Mababasa rito, “I am at the point where I avoid argument.
“If you tell me an elephant can fly. You are absolutely right.”

Kontrobersiyal ang ginawang “hard launch” ni Ricci sa relasyon nila ni Leren noong Sabado, October 21, 2023, sa pamamagitan ng Instagram.
Binansagan pa nga niya si Leren na “real QUEEN” at “the right one” para sa kanya.
Ipinangako rin niyang sasaluhin ang lahat ng batikos para sa nobya.
Saad ni Ricci, “To the girl who i see as a real QUEEN. With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.”
Dagdag pa ni Ricci, wala silang dapat ikahiya dahil masaya silang magkahawak-kamay.
Saad pa niya, “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”
Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista
Matapos ang pag-amin ni Ricci, nakipagsagutan naman si Leren sa bashers na inakusahan siyang "mang-aagaw."
Read: Leren Mae Bautista answers “mang-aagaw” allegation: “Nakakapagod sabihin ang totoo…”
Tila idinaan naman ng ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes sa cryptic message ang kanyang reaksiyon sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Leren.
Suportado naman ng ama ni Ricci na si Ruzcko Rivero at inang si Abigail Rivero ang relasyon ng dalawa.
- Ricci Rivero’s mother speaks up about son's relationship with Leren Bautista: “Walang niloko at walang nanloko.”
- Who does Ricci Rivero's father Ruzcko allude to in “pakitang tao para mapag-usapan” post?
Samantala, mariing pinabulaanan naman ni Ricci na nagkaroon ng overlapping sa pagitan nina Andrea at Leren sa buhay niya.
Read: Ricci Rivero refutes overlapping allegation of Andrea Brillantes' best friend
