PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricci Rivero Addresses BF Overlap Claim

Ricci Rivero: "Hindi third party si Leren, alam nila yan."
by Arniel C. Serato
Published Oct 25, 2023
Ricci Rivero new statement on Leren, Andrea
Ricci Rivero clarifies there was no overlapping on his relationships with ex-girlfriend Andrea Brillantes (left) and current girlfriend Leren Mae Bautista (right): “Hindi third party si Leren, alam nila yan. Huwag silang pa-clickbait para makuha ang simpatiya ng tao at sirain kami."
PHOTO/S: File / Instagram

Naninindigan ang basketball player na si Ricci Rivero na walang overlapping na nangyari sa pakikipagrelasyon niya sa ex-girlfriend na si Andrea Brillantes at sa girlfriend niyang ngayong si Leren Mae Bautista.

Iginiit ito ni Ricci matapos siyang patutsadahan ng best friend ni Andrea na si Bea Borres sa X (formerly Twitter).

Matapos isapubliko ni Ricci ang relasyon nila ng dating beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren, noong Sabado, October 21, 2023, nagpakawala ng makahulugang tweet si Bea.

Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista

Post ni Bea, "TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER."

Ricci Rivero Bea Borres posts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan pa niya ito ng tweet na (published as is), "lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no."

Ricci Rivero Bea Borres posts

Walang binanggit na pangalan si Bea sa kanyang posts, ngunit marami sa netizens ang naniniwalang si Ricci ang pinapatutsadahan niya.

At nakumpirmang si Ricci nga ang pinariringgan ni Bea dahil binuweltahan siya ng incoming PBA player sa pamamagitan din ng X.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ni-retweet ni Ricci ang isa sa mga post ng dalaga at hinamon ito. Direkta rin niyang binanggit ang pangalan ni Bea.

Hamon ni Ricci (published as is): "Puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? laughing emoji].

"Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity.

"Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline."

Ricci Rivero Bea Borres posts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricci Rivero responds to Bea Borres "hanggang hard launch nag mamalinis" cryptic tweet

RICCI RIVERO ON FIGHTING MOOD

Idinetalye ni Ricci ang kanyang pasaring kay Bea sa pamamagitan ng mahabang text messages sa host na si JhaiHo, na binasa nito sa online talk show na Marites University kahapon, October 24, 2023.

Kasama ni JhaiHo bilang hosts ng nasabing show sina Jun Nardo, Ambet Nabus, at ang PEP contributor na si Rose Garcia.

Ayon kay JhaiHo, direkta niyang kunan ng pahayag si Ricci.

Nakausap daw kasi niya si Bea at baka mayroong nais linawin si Ricci.

Tinanong daw ni Ricci kung ano ang statement ni Bea para alam niya kung hanggang saan lang ang sasagutin niya.

Dagdag pa sa text ni Ricci, “Hindi ko naman siya pipigilan kung gusto niyang sumawsaw at hindi sila maka-move on sa hindi ko pakikipagbalikan sa kaibigan niya.

“Pero doon lang tayo sa totoo.”

Idiniin ni Ricci na hindi si Leren ang dahilan ng breakup nila ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: “Hindi third party si Leren, alam nila yan.

“Huwag silang pa-clickbait para makuha ang simpatiya ng tao at sirain kami.

“Magmu-move on kami nang maayos, nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila.”

Ikinuwento rin daw ni JhaiHo kay Ricci ang sinabi ni Bea na inere rin nila sa kanilang programa.

Tugon ni Ricci sa kanya, “Jhai, never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila.

“We all know who she's pertaining to sa mga tweets niya from the very start.

“Nag-reply ako kasi sumusobra na sila and meron naman talaga akong alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita.

“Kasi hindi ako yung tao para manira. You all know me from the beginning.”

Read: Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillantes

TIMELINE OF RICCI-LEREN RELATIONSHIP

Nais maging klaro ni Ricci sa publiko na walang nang-agaw, at pumasok daw si Leren sa kanyang buhay noong wala na sila ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations

Mensahe ni Ricci kay JhaiHo, “Nakilala ko si Leren May 26, Jhai.

“And alam nilang mag-best friend [Andrea and Bea] na wala na kami that time.

“We broke up a couple times na early this year kaya magulo na talaga.

“Nakikipagbalikan siya [Andrea]. And nung last time na, May 6, sinabi niya na wala na, end na, because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko yun na pumunta doon.

“So, paano ang overlap doon, Jhai?

“Hindi naman ako nagsasalita nung may nakakasama at kausap din silang iba sa bars."

Read: Kampo ni Ricci Rivero, may hinala kung sino ang nag-leak ng video ng babaeng nasa condo unit ng basketball player

Ayon pa kay Ricci, ilang beses sinubukan ni Andrea na makipagbalikan sa kanya, pero ayaw na raw niya talaga.

“Pumupunta siya ng condo ko ng madaling-araw ilang beses for what?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Para makipagbalikan? Nag-yes ba ako? Hindi.

"Kasi ayoko na and sinabi ko yan sa kanya paulit-ulit.

"So I am the bad person here now for publicly telling everyone that I am single?

"She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya.

"Tapos nung hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla?

"Nanahimik ako sa detalye at tiniis lahat ng gawa-gawa nilang panimira dyan sa mga laundry na yan. Sa mga gamit sa bahay.

"Para lang pagbigyan ang coping mechanism nila pero sobra na."

Read: Ricci Rivero, ayaw nang patulan ang pahayag ni Andrea Brillantes tungkol sa laundry

Pagpapatuloy ni Ricci, "Wala naman nang mawawala sa akin.

"So, bakit di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko.

"Simple lang to, Jhai.

"Kaya ko rin namang ikuwento lahat ng pangit sa isang taon naming pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero hindi ko nilalabas sa publiko dahil may respeto ako sa kanila at sa pinagsamahan.

"Pero kung pati future ko ay nakadepende sa pangit na nakaraan na yan, hindi na ako papayag.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricci Rivero clarifies there was no overlapping on his relationships with ex-girlfriend Andrea Brillantes (left) and current girlfriend Leren Mae Bautista (right): “Hindi third party si Leren, alam nila yan. Huwag silang pa-clickbait para makuha ang simpatiya ng tao at sirain kami."
PHOTO/S: File / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results