Nagpaunlak ng mga katanungan si KC Concepcion, 38, mula sa kanyang followers sa Instagram sa pamamagitan ng “Ask Me Anything” kagabi, October 26, 2023.

Ilan sa mga ito ay sinagot niya sa pamamagitan ng video.
Isa sa sinagot ni KC ay ang tanong tungkol sa diumano’y pabagu-bagong hitsura ng kanyang mukha.
Ayon sa follower, “Y nmn super pa alter ng face?”
Saad ni KC, walang binago sa kanyang mukha kundi make-up lamang ito.
Aniya, “Ano bang pinagsasabi ninyo guys, ha? Make-up lang yan. Just relax, okay? And be happy.”

Ang sunod na tanong na pinaunlakan ni KC na sagutin ay kung totoo bang buntis siya.
Ayon sa netizen, “Are you really pregnant?”
Sabi ni KC, lumang balita na ito.
Kailanman daw ay hindi pa siya nabubuntis at malugod niyang ipaaalam sa publiko balang-araw kung siya ay magdadalantao.
Tugon niya, “Guys old news na yan. No, I’m not. I’ve never been. And I hope one day I will be and I will let you know.
“Tigilan niyo yan ha, paulit-ulit. Sa totoo lang.”

Hindi ito ang unang pagkakataong natsismis na buntis si KC.
Noong June 2014, naintriga na rdin noong buntis ang aktres. Pero mariin niya itong pinabulaanan.
Sabi niya, “Once & for all: What is this rumor that I am ‘pregnant’??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life.”
Read: KC Concepcion denies pregnancy rumor
Naulit pa ito noong 2019 nang matanong ulit siya ng isang Instagram follower niya kung buntis nga ba ito.
Aniya, “You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already.
“That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON.
“I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!”
Read: KC Concepcion: "I have NEVER BEEN PREGNANT in my life."
Sa ngayon, masaya na si KC at meron na siyang boyfriend, ang Filipino-Swiss businessman na si Michael Wuethrich.
Samantala, inanyayahan naman ni KC ang publiko na manood ng reunion concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Ngayong gabi na, October 27, 2023, gaganapin sa Mall of Asia Arena ang Dear Heart The Concert.
