Hindi napigilang mapaluha at maging emosyonal ng hosts ng It's Your Lucky Day sa huling araw nila sa telebisyon.
Ngayong Biyernes, October 27, 2023, ang huling araw ng pag-ere ng noontime game-variety show sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV.
Ang It's Your Lucky Day ang panandaliang humalili sa It's Showtime sa loob ng labindalawang araw, bunsod ng suspension order na ipinataw ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) laban sa Kapamilya noontime show, na hindi na sinalungat pa ng ABS-CBN.
Read: ABS-CBN accepts MTRCB decision to suspend 'It's Showtime' for 12 days
Sa pagtatapos ng kanilang programa, hindi napigilang maging emosyunal ng mga host na sina Luis Manzano, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Jennica Garcia, Shaina Magdayao, Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, Divine Tetay, Petite, at special guest nilang si Jessy Mendiola, misis ni Luis, nang magpaalam sa kanilang mga manonood.
Bukod sa kanila ay naging guest co-hosts din sina Bianca Umali, Andrea Brillantes, Long Mejia, at Vilma Santos.
Read: Vilma Santos, pinuri ang 'It's Your Lucky Day' hosts sa pagiging "selfless"
Inisa-isang tinanong ni Luis ang kanyang co-hosts kung ano ang mensaheng gustong ipaabot ng mga ito sa mga "ka-Lucky" nilang sumubaybay sa kanilang programa sa loob ng labindalang araw.
Read: Luis Manzano quips about 12-day airing of 'It's Your Lucky Day': "... ang huling dalawang linggo"
JENNICA, PETITE, TETAY
"Isa lang... We will miss you mga Kka-Lucky," saad ni Jennica.
Sabi naman ni Petite, "Malungkot na masaya. Malungkot kasi magkakahiwalay na tayo.
"Malungkot kasi sa twelve days naging routine ko na yung gigising nang maaga, matutulog nang maaga. Mami-miss ko yon.
"Pero masaya kasi naniniwala ako na may plan si God na maganda para sa ating lahat."
Read: It's Your Lucky Day production, natutuwa sa 99% positive feedback sa programa
Para naman kay Tetay, malaki ang pasasalamat niya sa bumubuo ng It's Your Lucky Day mula sa kanyang co-hosts at staff.
Sabi niya, "Yung twelve [days] na yon, sobrang saya. Sa edad kong ito, I learned a lot. Ang dami ko pa rin pa lang matututunan.
"Nagpapasalamat ako kasi hindi naman lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon.
"So I'm very, very grateful. Thank you, Lord.
"Gusto ko rin magpasalamat sa inyong lahat [co-hosts] na nakasama ko.
"Thank you Kuya Lu [Luis], nararamdaman namin na mahal na mahal mo kami at pinapahalagahan mo yung talento na mayroon kami.
"Sa staff, maraming-maraming salamat po sa inyo."
SETH, FRANCINE, KYLE
Katulad ni Tetay, malaki rin ang pasasalamat ng young co-hosts na sina Seth, Francine, at Kyle sa kanilang mga kasamahan at audience dahil kahit wala naman daw silang karanasan sa hosting ay pinagkatiwalaan sila.
Mensahe ni Seth, "Unang-una, gusto kong mapagsalamat sa mga ka-Lucky natin kasi kahit alam nilang twelve days lang tayo ay talagang tumutok din po sila at sumubaybay."
Pagbabalik-tanaw naman ni Francine, "Noong sinabi sa akin na kung okay lang ba ako mapasama sa It's Your Lucky Day, I was unsure.
"Kasi hindi ko po alam yung gagawin, hindi ko alam kung ano yung naghihintay sa akin dito kahit twelve days lang.
"Yung nagre-rehearsal po tayo, sabi ko, 'Ganito pala,' sobrang kabado po ako.
"Pero dahil po sa inyo [co-hosts], sabi ko, 'I'm in good hands.'
"Kaya thank you po sa inyong lahat kasi hindi ko po na-feel na hindi ako parte ng pamilyang ito. Hindi naman po ako naghu-host, kami ni Seth, kaya para isali niyo po kami dito, isang karangalan po yon."
Read: Francine Diaz reveals takeaway from It’s Your Lucky Day hosting stint
Punung-puno rin ng pasasalamat ang huling mensaheng binitawan ni Kyle hindi lang sa kanyang mga co-host kundi maging sa ABS-CBN at It's Your Lucky Day staff.
Saad niya, "Dalawa lang masasabi ko, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN, sa staff sa tiwala. Kasi hindi naman po ako host, pero binigay po sa akin itong blessing na ito.
"It's really an amazing experiences na talagang buong buhay ko dadalhin.
"I'm so grateful for you guys [co-hosts] dahil nakabuo tayo ng pamilya dito."
SHAINA, ROBI, AND MELAI
Halos ganito rin ang naramdaman ni Shaina. Hindi raw kasi niya sukat-akalaing mula sa pagiging special guest ay kukunin din siyang host.
Sabi niya, "Alam niyo naman po na isa akong artista, hindi po ako host. Kaya sa lahat po ng naka-appreciate, sana po malaman niyo na hindi po yon dahil sa akin, kundi dahil po yon sa alalay ng aking mga co-hosts.
"Hindi rin po ako magsasawang magpasalamat sa ating mga staff. Sa first day pa lang, na nangangapa ako kung ano bang ginagawa ko dito, na parang iniisip ko na mas madali yatang umiyak kaysa mag-host, pero hindi po kayo nagkulang sa gabay.
"Kaya kung will man po ni Lord na maibigay na birthday gift sa akin, sana po magkita-kita tayo ulit.
"Maaaring ito ang huli sa pag-ere pero hindi po ito ang katapusan ng friendship natin, ng pagiging isa nating pamilya."
Read: 'It's Your Lucky Day,' magtutuluy-tuloy na sa ere kahit bumalik ang 'It's Showtime'?
On cloud nine din ang pakiramdam nina Robi at Melai na mapasama sa It's Your Lucky Day kahit na sa maikling panahon lamang.
Pagbabahagi ni Robi, "Kapag nandito ako, pakiramdam ko ang suwerte-suwerte ko talaga.
"Ang suwerte-suwerte ko kasi kasama ko yung best of the best, at sa mga ka-Lucky natin ang suwerte po namin kasi kasama namin kayong lahat."
Mabilis naman itong sinang-ayunan ni Melai, kalakip ang kanyang pasasalamat kay Luis.
"Parang tornado romance yung feeling ko dito sa It's Your Lucky Day.
"Indeed, a Lucky Day talaga natin ito. Maraming salamat sa mga staff, kay Direk, sa lahat maraming salamat sa pagtanggap niyo sa amin.
"Kay Kuya Lu [Luis] na day one pa lang sinabi na niya na, 'Hindi ko kayo pinili dahil gusto ko kayo, pinili ko kayo dahil kailangan ko kayo.'"
Read: Vilma Santos, pinuri ang 'It's Your Lucky Day' hosts sa pagiging "selfless"
LUIS' LAST MESSAGE
Ang huling nagbigay ng mensahe ay si Luis, na hindi napigilang mapahagulgol sa iyak habang ikinukuwento nito kung gaano kaespesyal sa kanya ang kanilang programa.
Aniya, "Gusto kong mag-thank you sa inyong lahat [co-hosts].
"Alam niyo po, bukod sa aking maybahay, sa aking anak, magulang, at kapamilya, kapag may kumausap sa akin at tinanong kung 'anong favorite mong moment nung naghu-host ka for twenty-plus years,' [ang isasagot ko] It's Your Lucky Day."
Read: It's Your Lucky Day hosts, segments, and funny banters

Sa huli, nagpasalamat si Luis sa It's Showtime family sa pagpapahiram daw ng mga ito sa kanila ng kanilang tahanan sa maikling panahon.
"It's our great honor na magpasaya sa inyong lahat nang panandalian para mapawi ang inyong problema.
"At sa ating It's Showtime family, we welcome you back. Maraming-maraming salamat sa pagpapatuloy sa inyong tahanan at itutuloy niyo rin ang kasiyahan."
Read: Luis Manzano praised for using sign language in 'It's Your Lucky Day'
Dagdag pa niya, "Mga ka-Lucky, sabay-sabay po tayong magdasal. Kapit lang. Sabi nga nilang lahat, malay naman natin this is not goodbye."
Samantala, bukas, October 28, nakatakdang bumalik sa ere ang It's Showtime.
Read: ‘It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show's suspension
