PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's Your Lucky Day hosts, segments, and funny banters

Melai: “Two weeks lang pero may grand finals na!”
by Nica Jose
Published Oct 27, 2023
it's your lucky day october 16, 2023
Bagamat maikli lang ang panahong nasa ere ang It's Your Lucky Day, marami itong napasaya ata napatawa.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Nagsimulang umere ang It’s Your Lucky Day on October 14, 2023, and it's bound to have its last day on October 27, 2023.

Kaya pagbubukas na statement ni Luis Manzano, host ng show, "Ngayon, e, gagawa tayo ng history.

"Alam niyo ba, ang kabataan, pagkatapos ng ilang taon, pag-uusapan tayo. Nasa libro tayo ng HEKASI.

"First time sa lahat ng shows ng ABS-CBN kahit sa buong industriya. Hindi pa tayo natatapos sa unang episode, ma-a-announce natin ang huling dalawang linggo!"

Read on to know more about this variety show, its hosts, segments, at ilan sa mga funny moments caught on cam.

Read: Maging lucky kaya ang 'It's Your Lucky Day' sa 12 days airing nito?

star-studded hosts

Luis leads the show with Robi Domingo, Melai Cantiveros-Francisco, and Jennica Garcia, while co-hosts Kyle Echarri, Andrea Brillantes, Francine Diaz, and Seth Fedelin add their unique flair to the program.

Ilan pa sa mga guest co-hosts sa show sina Shaina Magdayao, Vilma Santos-Recto, at Bianca Umali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comedians Petite, Tetay, Negi, and Long Mejia brought laughter and entertainment to the debut episode.

Read: Vilma Santos naawa sa anak na si Luis Manzano kaya naiyak sa 'It's Your Lucky Day'?

The show’s segments

Layunin ng It's Your Lucky Day na magbigay ng fresh take pagdating sa variety shows. Narito ang ilan sa mga segments na pumatok sa mga manonood:

Pang-Ma-Luck-Cashan

Sa segment na ito, sampung members ng audience ang pipiliin para lumahok dito upang manalo ng cash prizes. Only five of them will proceed to the jackpot round, where they face the CASHingko game board and try to increase their winnings.

Lucky Pick

Five members of the audience will be chosen at random. Bibigyan sila ng cash prize bago pa man sila magsimula sa game. Dito sa segment na ito, they will be given “lucky weapons” na kanilang gagamitin to get marbles within a time limit. The winner will be the contestant na may pinakamaraming gramo ng holen na masasalok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Da Hula Who

The contestants are required na hulaan ang guest of honor base sa mga katangiang sasabihin ng hosts. Elimination ang basis to advance to the next rounds.

Luckyng Kalye

For this segment, lalabas ang ilan sa mga hosts para makipagdaupang-palad sa mga tao sa labas. Pipili sila ng contestants from the crowd para lumahok sa mga challenges na ibibigay nila kapalit ang prizes.

Pot Luck

May isandaang pots with random questions inside. Each contestant will pick a pot and answer the question na nasa loob. Kapag nasagot nang tama, the contestant gets a point. Otherwise, others will get a chance to steal. Kung sino ang maunang makakuha ng three points ang mananalo,

Knock Knock Who’s Door

May three layers ng mga pintuan sa game area. Contestants are required to open the correct door gamit ang tamang susi na kailangan nilang hanapin. Pabilisan ang basis ng game para malaman kung sino ang makakapasok sa "Match-Swerte" segment.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Match Swerte

Huhulaan naman ng napiling contestant kung ano ang nawawalang item na magma-match sa displayed total price ng buong showcase. Base ang presyo sa current Suggested Retail Price (SRP) ng items.

Stars for All Seasons

Aspiring singers aged 50 and above will showcase their singing talent in this segment. In each episode, two aspiring singers will perform in two rounds. Kung sino ang makakakuha ng most stars from the Star Judges ang makakasali sa weekly finals.

Read: Eat Bulaga! host Betong Sumaya reacts to 12-day suspension of It's Showtime

Funny moments

Hindi mabilang ang funny moments dahil sa pagpapalitan ng mga linya ng hosts. Minsan naman, dahil na rin ito sa pakikipag-usap nila sa mga members ng audience o sa mga contestants. Narito ang ilan sa mga ito:

Pescatarian

Iba ang sayang dala kay Melai nang makatsamba siya. Sa episode kung saan nabanggit ni Shaina ang kanyang pagiging pescatarian, o taong ang diet at puro seafood at walang meat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naging pescatarian ako," kuwento ni Shaina.

Hirit ni Luis, "Ito naman si Shaina sabi ko wag ka basta-bata magbibitaw ng mga ganyang salita."

Pagpapatuloy pa niya, "Buti na lang mayroon tayong kasamang isang henyo para ipaliwanag [ang term]."

Sabat naman ni Melai, "Isang henyo, Kuya Luis, na ikaw lang nakakaalam.

"From the word 'pes,' [meaning] isda... pescatarian," paliwanag ng comedienne.

Agad naman ang pagsang-ayon ni Shaina, "Tama naman, seafood."

Change course

Sa panayam nina Luis at Melai sa isang contestant named Kathleen, tinanong nila kung ano ang course ng huli.

"Ano'ng course ang kinuha mo?"

Tugon ni Kathleen, "BSBA Marketing Management."

Sabi naman ni Luis, "Melai, sorry for interrupting, once again. Lagi kong sinasabi na maraming mga bata ang nanonood ng ating programa araw-araw at gusto ko hindi lang basta-basta nagpapasaya.

"Gusto ko pag nanonood ng It's Your Lucky Day, natututo sila. When you say Marketing Management, ano ba ang pinag-aaralan, Melai?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabirong sumbat naman ni Melai sa contestant, "Bakit ba yun ang pinasok mong school? Magchange ka na ng course. Mapapahamak pa ako diyan sa course mo."

Pagpapatuloy pa niya, "I think Marketing [Management] is all about negotiation. Negosyo, negosyo!"

Tanong naman ni Luis, “Negosyo pala is negotiation?”

Mariing tugon ni Melai, “Yes, sa amin lang iyon sa may Gen San. Wag niyo ipagkalat ha, baka mali iyon.”

Melai and friends

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood kay Melai as one of the hosts sa It’s Your Lucky Day.

Isa na rin ito sa mga naging rason ng isa sa mga latest banters ni Luis sa kanya.

“Kapamilya, si Melai po ay lumapit sa ating management [ABS-CBN] at nire-request niyang itong show na ito, imbes na It’s Your Lucky Day ay gawing Melai and Friends,” pa-joke ni Luis.

Agad naman ang pagtutol ni Melai, “Walang katotohan iyon. Maniwala kayo sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang katotohanan iyon,” sabay pabirong sabi, “I’m sorry, I will quit this job.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat maikli lang ang panahong nasa ere ang It's Your Lucky Day, marami itong napasaya ata napatawa.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results