PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Joey Paras, pumanaw na; pamilya nananawagan ng tulong

“Unfortunately, his heart wasn't able to recover anymore.”
by KC Cordero
Published Oct 29, 2023
Photos of Joey Paras
Ibinalita ng pamangkin ng komedyanteng si Joey Paras ang kanyang pagpanaw. Humihiling din ng tulong ang kanyang mga kapamilya para mailabas ang kanyang mga labi sa morgue ng ospital.

Sumakabilang buhay na ang komedyante, former Sunday PinaSaya star at bida sa pelikulang Bekikang na si Joey Paras, 45.

Ibinalita ito ng kanyang pamangkin na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian sa Facebook account nito ngayong Linggo, October 29, 2023.

Lahad sa post ng pamangkin ni Joey, “To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40 p.m.

“Unfortunately, his heart wasn't able to recover anymore.”

Read: Joey Paras opens up about his heart condition: "Physically, hindi ako masaya, kasi hindi healthy."

The announcement of Joey's death

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joey Paras reacts to comparisons to John Lapus and Vice Ganda

Nanawagan din ng tulong ang kanyang pamangkin dahil nang i-post nito ang malungkot na balita ay nasa morgue pa ang mga labi ni Joey.

Ayon sa pamangkin, “We need to settle his hospital bills for us to take him home. Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills.”

Inilagay rin nito ang mga detalye kung paano makapagpapadala ng tulong sa pamilya ni Joey sa pamamagitan ng GCash: Rossette C. (09664522958), at Zciara Shyne Fabian (09053414847).

Nagtapos sa University of Santo Tomas ng kursong Mass Communication, produkto si Joey ng Tanghalang Pilipino at naging bahagi ng musical version ng Zsa Zsa Zaturnnah noong 2006 bago pumasok sa showbiz.

Read: John "Sweet" Lapus says fellow gay comedians Joey Paras and Shalala deserve to have solo movies

Photo of Joey Paras

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joey Paras dismisses comparison to Vice Ganda: "Wala naman dapat ikumpara o itapat, kasi Vice Ganda na siya, e."

Nagwagi siya ng Best Supporting Actor sa New Breed category ng 2013 Cinemalaya Independent Film Festival, sa kanyang pagganap bilang cyber-scammer sa Babagwa (Spider’s Web).

Nakasama rin siya sa cast ng Last Supper Number 3 na pinagbidahan ni JM de Guzman, at sa Bwakaw at Dance of the Steel Bars.

Bahagi rin siya ng Momzillas na pinagbidahan nina Maricel Soriano ar Eugene Domingo.

Naging bida naman siya sa pelikulang Bekikang sa direksyon ni Wenn Deramas.

Read: Wenn Deramas’s Bekikang now a movie instead of a teleserye; lead role first offered to Dingdong Dantes

Photo of Joey Paras

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong July 2018 ay sumailalim si Joey sa heart surgery.

Tinamaan din siya ng COVID-19 noong 2020 at na-confine sa ospital.

Noong panahong iyon ay nanawagan siya sa social media dahil kailangan niya ng PHP750,000 para sa kanyang angioplasty operation.

Ayon sa FB post ng pamangkin ni Joey, magbibigay ang pamilya ng update kung saan ang wake kapag na-settle na nila ang mga obligasyon sa ospital.

Read: Wenn Deramas’s Bekikang now a movie instead of a teleserye; lead role first offered to Dingdong Dantes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinalita ng pamangkin ng komedyanteng si Joey Paras ang kanyang pagpanaw. Humihiling din ng tulong ang kanyang mga kapamilya para mailabas ang kanyang mga labi sa morgue ng ospital.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results