Mata-mata at ngipin-ngipin ang akting ni Kakai Bautista bilang Yaya Cass sa DonBelle series na Can’t Buy Me Love.
Bulalas ng Dental Diva, "Syutulong mae na naman ang lolah mo, di ba?! Syutulong mae [katulong]! Favorite na syutulong mae, di ba?!
"Pero masaya naman, kasi ang ganda nung ano… ayy! Nagyabang na ako! Nagbuhat na ako!"
Nakausap si Kakai ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Metro Manila Film Festival 2023 official entry na When I Met You In Tokyo noong Oktubre 26, Huwebes, sa Seda Vertis North, Quezon City
Pagpupuri pa niya sa main stars na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan, “In fairness, maganda naman talaga.
"Unang-una, magaling yung mga bata, yung Belle Mariano saka yung Donny.
"Nagulat ako dun sa Donny kasi, ang tangkad pala niya tapos ang guwapo niya sa personal, at mahusay umarte yung bata. Mahusay umarte at magalang. Mabait.
"Kasi yun ang aasahan mo sa mga bata ngayon. ‘Tingnan nga natin kung marunong bumati.’
“Malaking factor kasi yun sa mga senior actors na medyo matagal-tagal na. Mabait yung mga bata.”
Read: Miss Grand International founder calls Philippine rep Nikki de Moura "very unprofessional"
Sweet ba sina Donny at Belle?
Napangiti si Kakai, “Sweet sila. Gusto ko silang itulak, chareng!!! Tigilan niyo iyan, tigilan niyo iyan!’ Sana all.
“Pero alam mo yun, happy naman ako, kasi ang kagandahan sa mga bata, sa oras ng trabaho, they’re on their toes. Kumbaga, focus sila sa work nila.
"And then after the scene, bibitaw. Alam mo yun. Maano sila, mahusay sila.
“And you know that kahit nagsisimula pa lang sila and they’re just starting to establish their love team and everything, their careers, sobrang tutok sila sa trabaho.
“And mahusay. Kasi alam mo yung… natutuwa ako kasi, in character, pagkatapos ng eksena, balik na naman. Lalo na yung Belle Mariano, makulit.
“Kasi si Belle Mariano, ilang beses ko nang nakatrabaho. Matagal ko na rin siyang nakatrabaho, saka kilala ko yung batang yun.
“Iba din talaga pag hinubog ng ABS-CBN na Belle Mariano na bata, na ang galing ng development ng kanyang career.
"And then, nabigyan na talaga ng chance kasi nga, may potential talaga yung bata.”
Read: Gen Z diagnosed with autism graduates from college
WORKING WITH BIG STARS
Samantala, ang mga bida sa When I Met You In Tokyo ay sina Vilma Santos at Christopher de Leon.
Read:
Christopher de Leon recalls losing everything: “Nasanla yung bahay. Zero balance in the bank.”
Vilma Santos recalls the moment she was financially "back to zero"
Nasa cast din nito sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Gabby Eigenmann, Lotlot de Leon, Tirso Cruz III, Lynn Cruz, Gina Alajar, John Gabriel, at Jacky Woo.
Bulalas niya tungkol kay Christopher o Tito Bo, Boyet, o Yetbo, “...Guwapo ni Tito Bo! Grabe! Hihihi! Tapos, first time ko siyang nakatrabaho sa isang pelikula.
“Thank you, Lord! Kasi, lumipad pa kami sa Tokyo.
"Kaya nung kinontak ako ni Mommy Redg [Magno] na talaga namang hapit na hapit sa pagkontak… siyempre, mommy namin siya from First Yaya to First Lady kaya mahal na mahal namin iyan.
“So, cancel lahat. Inurong ko yung iba kong mga trip. Kasi, sabi niya, ‘Huy, Ate Vi ito.’ ‘Eto na! Eto na! Oo! Cancel na lahat, agad-agad! Mag-book ka na ng ticket.’
“Inayos ko na lahat ng schedule. Kasi, nung sinabi pa lang na Boyet de Leon and Vilma Santos, parang sino ka para tumanggi? Di ba?
“Ano ka ba sa industriya para tanggihan mo yung Vilma Santos and Boyet de Leon?
“Siyempre, sinagot na ni Lord yung dasal mo… Tapos, ang sarap pa! Bakit ganun? Talagang ma-a-admire mo pa rin sila.
“Sila talaga yung titingalain mo hindi dahil sa husay nila, kundi kung paano sila sa mga tao, kung paano sila sa kanilang mga co-actors off cam and on cam.
“And yung collaboration sa pelikulang ito, tulung-tulong talaga kami…”
Salaysay ni Kakai, panay-panay ang kulitan nila sa set ng When I Met You In Tokyo.
Sey niya, “Pag kami magkakaeksena nina Tito Bo, ang gugulo namin! So, hindi ko na-feel na Ate Vi siya. Hindi ko na-feel na Tito Bo siya. Alam mo yun?
“Wala! Yun yung gustung-gusto ko na makipagtrabaho sa mga talagang mga batikan na actors and actresses natin.
“Kasi never nilang pinapa-feel na, ‘Hmph, Kakai ka lang.’ Sabihin naman natin, real talk, di ba?
“May mga ganun tayong makakatrabaho na, hey, real talk lang kasi ganun sa industriya natin, di ba? Ganun sa industriya natin.
“Pero ang laki-laking pasasalamat ko, na kahit andami naming pinagdaanan sa shoot, napakasaya talaga namin!”
Lubos ang pasasalamat ni Kakai sa paggabay sa Boyet na associate director ng movie.
Aniya, “Sobrang blessed po itong production na ito, kasi ahhmm, from the producers and all the staff na… Ano po kasi, masyado po kaming hapit talaga dun, e!
"So kahit minsan nagkakasagutan kami o ano, real talk lang, ang saya nung produksiyon.”
