Patuloy pa ring nangungulila ang aktor na si Andrew Schimmer sa presensiya ng kanyang namayapang partner na si Jho Rovero.
Noong October 28, 2023, nagbahagi si Andrew ng isang larawan nila noong nabubuhay pa si Jho habang nasa ospital.
Sa caption, inilabas ni Andrew kung gaano niya nami-miss ang partner na ngayon ay halos mag-iisang taon nang namayapa.
Hiniling niya ritong sana ay dalawin siya ni Jho kahit sa panaginip dahil marami raw siyang ikukuwento rito.
Nakahanda na rin daw ang wine glass ni Jho.
Buong post n Andrew (published as is), “Happy Halloween my dear...
“It's almost been a year since that day.
“I miss you. [sad face emoji]
“Daan ka naman sakin, dame ko gusto kwento sayo. [sad face emoji]
“Dame akong chismis sayo mami, daan ka ha kahit saglit lang...
“Naka ready na yung wine glass mo. I will wait. [crying, wine glass emojis]”
Pumanaw si Jho noong December 20, 2022, matapos ang lagpas isang taong pakikipaglaban nito sa sakit na severe hypoxemia, na nauwi sa iba’t ibang kumplikasyon.
Read: Andrew Schimmer’s partner Jho Rovero dies
Bago pa nito, December 12, 2022, inanunsiyo ni Andrew ang kanyang paghahanda sa pagpapakasal dapat niya kay Jho.
Read: Andrew Schimmer intends to marry Jho Rovero despite her medical condition
Pero hindi na nga ito nangyari dahil sa pagpanaw ni Jho.
