Kinumpirma ng Palasyo na nagbitiw sa puwesto si Paul Soriano bilang presidential adviser for creative communications.
Read: Father and son: Paul and Seve Soriano
Base ito sa pahayag ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, Huwebes ng gabi, November 10, 2023.
"Presidential Adviser Paul Soriano took a well-deserved break to spend time with his family and newborn daughter.
"He has since submitted his resignation to prioritize his personal commitments," paliwanag ni Garafil.
Wala pa raw kapalit si Paul sa ngayon.
Naungkat ang tungkol sa posisyon ni Paul sa deliberation ng Senado para sa budget ng Office of the President kahapon.
Ayon sa ulat ng GMA News Online, nagtanong si Senator Koko Pimentel III tungkol sa isang ad sa isang London bus, na nagpakita na Pinay nurse ang nag-administer ng first COVID vaccine sa U.K.
May kataga pa raw na "We give the world our best" at "The Philippines."
Ang budget sponsor, si Senator Sonny Angara, ay sumagot na hindi niya matukoy kung sino ang tao sa likod ng ad na iyon dahil hindi raw iyon mula sa Malacañang.
Nabanggit na lumabas ang ad noong panahon ni Paul bilang presidential adviser, kaya tila balak sana siyang tanungin ukol sa mala-tourism ad.
Dito na nabanggit ni Angara na "wala na" si Paul bilang presidential adviser.
October 17, 2022 nanumpa si Paul bilang presidential adviser for creative communications sa harap ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.
Si Paul at ang asawa nitong si Toni Gonzaga ay masugid na tagasuporta sa kampanya ni Marcos Jr. at sa partido nitong UniTeam noong May 2022 elections.
Ninong at ninang din nila sa kasal ang Presidente at ang asawa nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos, na tiyahin naman ni Paul.
Si Paul ang namahala bilang direktor sa malalaking events ng kampanya ng UniTeam pati na sa inauguration ni President Bongbong at sa kauna-unahang State of the State of the Nation Address (SONA) nito.
Pero noong July 26, 2023, naiulat na nag-file ng leave of absence si Paul bago naganap ang SONA 2023 sa dahilang "personal reasons."
Sinabi rin noon ni Garafil na hindi malinaw kung kailan babalik si Paul sa trabaho.
- Paul Soriano declares "I’m living my best life now" despite criticisms
- UPDATED: Paul Soriano appointed as Presidential Adviser for Creative Communications
- Paul Soriano, nag-leave umano bilang presidential adviser para tutukan ang panganganak ni Toni Gonzaga
- Paul Soriano out as Presidential Adviser for Creative Communications
