Marami ang na-touch sa lumabas na larawan online na kuha sa pagtatapos ng Miss Universe 2023.
Ginanap ngayong Linggo, November 19, 2023 (Philippine time), sa El Salvador ang prestihiyosong beauty pageant.
Sa picture ay makikita ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee at Thailand bet na si Anntonia Porsild habang kinu-comfort ang isa't isa.
Parehong hindi pinalad sina Michelle at Anntonia na maiuwi ang korona.

Si Sheynnis Palacios ng bansang Nicaragua ang itinanghal na Miss Universe 2023.
Read: Miss Nicaragua crowned Miss Universe 2023; Michelle Dee reaches Top 10
BOTH FRONTRUNNERS
Promising ang naging kampanya ni Michelle sa Miss Universe 2023 at marami ang umasa na masusungkit niya ang ika-limang titulo ng Pilipinas.
Nakapasok si Michelle sa Top 20 at Top 10 subalit kinapos ito at hindi na napabilang sa Top 5, bagay na ikinalungkot at ikinadismaya ng kanyang supporters.
Read: Rhian Ramos casts doubt on Miss Universe 2023 results; fellow celebs congratulate Michelle Dee
"Love and kindness over everything! Mahal ko kayo," mensahe ni Michelle sa pagtatapos ng kanyang kampanya.
"Thank you so much for raising our flag with me."
Si Anntonia naman ay umusad hanggang sa dulo ng kumpetisyon.
Sa huli ay siya at si Sheynnis ang natirang kandidata na pinagpilian para sa titulo.
First runner-up si Anntonia at itinanghal naman na Miss Universe 2023 si Sheynnis.
"I’m sorry I couldn’t bring the crown home for us, and I am eternally grateful for all of the love and support I have received throughout this journey," malungkot na mensahe ni Anntonia sa kanyang mga kababayan.
"PORDEE" HASHTAG
Naging malapit na magkaibigan sina Michelle at Anntonia sa maikling panahon na nagkasama sila sa El Salvador.
Ikinatuwa rin ng mga masugid na sumusubaybay sa pageant ang umusbong na pagkakaibigan ng dalawa.
Sa mga larawan ay makikita sina Michelle at Anntonia na madalas magkasama sa mga pageant activities ilang araw bago ang coronation night.
Sa isang interview ay sinabi ng dalawa na may plano sila na mag-bonding pagkatapos ng pageant at bisitahin ang bansa ng isa't isa.
"She's super nice, chill, and fun," sabi ni Anntonia tungkol kay Michelle sa isang video na inupload sa X.
Sinabi rin niya na, "She [Michelle] understands my sarcasm and my jokes.
"And when I talk to her, I feel very calm, and my heart feels very steady in the time where everything's happening so fast, all the excitement.
"And she really has that energy that can really calm you down.”
Ang kanilang friendship at closeness ay nagbunga pa nga ng hashtag online na "PorDee Universe."
Ang "PorDee" ay kumbinasyon ng apelyido nina Anntonia at Michelle.