May bagong vlog si Andrea Brillantes kung saan naglaro sila ng tatlo niyang mga kaibigang babae ng "Date or Pass,” isang spin-off sa “Jojowain o Totropahin” game.
In-upload ito ni Andrea sa kanyang channel noong August 21, 2023.
Unang na-mention si Kobe Paras, ang basketball player na anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, pero “pass” si Andrea sa kanya.
“Date” ang pinili ni Andrea noong nabanggit ang pangalan ng national basketball player na si Kai Sotto.
“Pass” si Andrea sa singer-actor na si JK Labajo.
Rason niya, “Ako, pass na ako kasi love na love ko si JK talaga. Gusto ko nasa buhay ko siya forever. Gusto kong best friend ko na siya forever.”
Dagdag pa ni Andrea, “Sobrang kalog nito, guys. Makakasundo talaga natin siya.
“I would pass kasi na-date ko na siya before.”
“Pass” uli si Andrea sa Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.
Game naman si Andrea na “date” para sa anak ni Ian Veneracion na si Draco Veneracion at sa anak ni Jericho Rosales na si Santino Rosales .
“Pass” naman siya kina Joaquin Domagoso at Donny Pangilinan.
Isiniwalat din ni Andrea na childhood crush niya si Andres Muhlach, ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Pero na-outgrow na raw niya ang crush niya sa binata.
Paliwanag niya, “For now, I would pass. Pero actually, childhood crush ko to. Hindi niyo alam.
"Na-outgrow ko yung crush ko sa kanya. Nawawala na lang.
“Tapos naging friends ko na rin kasi ang friends niya. Pero for some reason, our paths kasi never nag-cross. Never ko siyang nakita, mga once or twice lang.
"So, baka yung universe na yung nagsasabi na ‘No.’”
Isa rin sa mga napag-usapan nila ay ang binatang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.
Pag-amin ni Andrea, hanggang ngayon ay crush pa rin niya si Jakob.
Aniya, “I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya, ‘Hey, I’m Jakob.’
“Guwapung-guwapo na ako sa kanya dati pa.”
Mensahe pa niya kay Jakob, “‘Hi, Jakob! If you’re watching I’m single now.’”

Tinukso naman si Andrea ng mga kaibigan niya, pero sagot niya, “Date lang naman.”
Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang magkahiwalay si Andrea at ang ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
