It's confirmed: Magsasama-sama ang apat na bigating Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards para pagbidahan ang upcoming historical action-drama ng GMA-7 na Pulang Araw.
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Huwebes, November 23, 2023, kaabang-abang ang Pulang Araw dahil hango ito sa kuwento at pangyayari noong Japanese Occupation at World War II sa ating bansa.
Dagdag pa sa aabangan ang apat na Kapuso stars na bibida rito.
Lead Cast of Pulang Araw
Si Barbie ay gaganap bilang si Adelina, at si Sanya bilang Teresita.

Sila ang magkapatid sa ama na magiging Bodabil stars sa panahon ng mga Hapon.

Si David naman ay gaganap bilang si Hiroshi, isang Japanese na naging malapit na kaibigan ng magkapatid.
At si Alden bilang si Eduardo, ang half-brother ni Adelina (Barbie) na may dugong Amerikano.


Ayon kay Barbie, kung nagustuhan ng mga manonood ang hit historical portal fantasy na Maria Clara at Ibarra, tiyak na magugustuhan at maaantig din ang mga ito sa kuwento ng Pulang Araw.
Read: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast
Masusi raw kasing ginawa at isinulat ang kuwento nito.
Sa katunayan, plano pa raw makipagtulungan ng produksiyon sa mga historian at World War II survivors para mas maisalaysay nang maayos sa Pulang Araw ang mga pinagdaanan ng mga Pilipino noon.
Ani Barbie, "Coming from Maria Clara at Ibarra na parang we really left a mark, the show itself, the team behind it left a mark and really gave a big impact in terms of Philippine history.
"So now, mas mae-embrace natin ang pagbabalik-tanaw sa ating history."
Read: Most-talked about moments in Maria Clara at Ibarra
Pagsang-ayon naman ni Sanya, "Masarap gumawa kasi ng teleserye na alam mong kapag nagawa mo ito, maraming mai-inspire, e, sa istorya na ito."
Read: Sanya Lopez may fangirling moments kina Joshua Garcia at Dingdong Dantes
Nag-uumapaw naman ang pasasalamat ni Alden sa Kapuso Network sa pagtitiwala nito sa kanya na bigyan ng isang napakalaking proyekto.
Saad niya, "I’m very grateful to GMA na binigay nga nila sa akin ito because it's basically showcasing my roots na hindi ko na-experience growing up na, yun nga, yung pagiging pagkakaroon ko ng dugong Amerikano."
Read: Revisiting love teams of Alden Richards past and present
Si David naman, excited na sa muling pagsasama nila ni Barbie matapos ang sucess ng kanilang limited series na Maging Sino Ka Man.
“Super grateful na si Barbie yung kasama ko kasi kapag kasama ko siya, mas dumadali yung buhay ko, of course sanay na ako sa kanya.
"And you know, somehow, she calms me down whenever kinakabahan ako," pagbabahagi ni David.
Read: Barbie Forteza screams upon seeing David Licauco's topless scene in Maging Sino Ka Man
Bukod kina Barbie, Sanya, David, at Alden, makakasama rin sa Pulang Araw sina Rhian Ramos (Fina dela Cruz), Epy Quizon (Julio Borromeo), Angelu de Leon (Carmela Borromeo), Rochelle Pangilinan (Amalia), Ashley Ortega (Manuela), Mikoy Morales (Tasyo), at Aidan Veneracion (Mario).
Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero, ang Pulang Araw ay nakatakdang mapanood sa GMA-7 sa 2024.
