Naglabas ng saloobin ang TV host na si Boy Abunda ngayong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30, 2023, tungkol sa pagwawakas ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kapwa kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup sa pamamagitan ng magkasunod na opisyal na pahayag sa kanilang mga social media account.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."
Kahit matagal nang usap-usapang hiwalay na sina Kathryn at Daniel, marami pa rin ang hindi makapaniwala at hindi matanggap na buwag na ang reel at real-life love team ng KathNiel.
Nasubaybayan ni Boy ang pag-uumpisa ng mga showbiz career nina Kathryn at Daniel.
Malaki ang kanyang partisipasyon sa showbiz journey ng KathNiel dahil siya ang nag-interbyu sa mga importanteng pangyayari sa personal at propesyunal na buhay ng dalawa noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN ang veteran TV host.
Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
Sa isang bahagi ng pahayag ni Boy, sinabi nitong hindi niya alam ang mga detalye tungkol sa desisyon nina Daniel at Kathryn na maghiwalay.
Pero mababakas sa kanyang mga binitiwang salita na may nalalaman siya at posibleng iginagalang lamang niya ang naging pasya ng dating magkarelasyon.
Ito ang kabuuan ng pahayag ng Fast Talk With Boy Abunda host tungkol sa pinag-uusapang pagtatapos ng labing-isang taong relasyon nina Kathryn at Daniel:
“I was wrong. I thought they would be able to fix what needed to be fixed.
“I can imagine the excruciating pain they have to bear now, Daniel, Kathryn, KathNiels.
“I honor this pain. I cry for Kathniel as a fan and friend.
"I respect their decision to part ways knowing that they tried to save this love story with respect but one that ended with respect to paraphrase Kathryn.
“Just finished reading her statement. Class is not dead. What a decent girl Kathryn Bernardo is.
“At a time when vicious ranting is common place, she chose to be circumspect. She deserves love and respect.
“With this breakup, Kathryn Bernardo has proven that a proper ending is possible. No matter the pain. Bravo Kathryn!
“Daniel’s statement just came out! I shall never forget what DJ told me in an interview — when I asked him ‘What is worse than betrayal?’
“Sabi niya,’ To be forgiven.’
“I don’t know the details that brought them to this decision to separate. I only know the love that they have for each other — a love that prevailed even when they decided to say goodbye.
“DJ, all the best and all the love…”