Isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot nina Karla Estrada at Min Bernardo sa kani-kanilang mga anak na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, reapectively, matapos kumpirmahin ng Kapamilya stars na hiwalay na sila.
Nitong gabi ng November 30, 2023, magkasunod na nag-post sa Instagram sina Kathryn at Daniel para ianunsiyo sa publiko na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Hindi nagbigay ng dahilan ang dalawa kung bakit sila nag-break, maliban sa pahayag na labis nilang pinapasalamatan ang isa't isa dahil sa ilang taon nilang pagsasama hindi lang bilang magnobyo't magnobya kundi bilang magka-love team, angKathNiel.
Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."
Sa hiwalay na post sa Instagram nitong Biyernes, December 1, 2023, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta at pagmamahal sina Karla at Min sa naging desisyon nina Daniel at Kathryn.
"We Love you both [blue heart emojis]," maiksing sabi ni Karla sa KathNiel, kalakip ang litrato niya kasama ang mga ito.
Read: Daniel Padilla attends mom Karla Estrada's birthday; where is Kathryn Bernardo?
Pasasalamat naman sa fans ang naging prayoridad ng ina ni Kathryn dahil sa walang sawang pagmamahal ng mga ito sa tambalang KathNiel.
Mababasa sa kanyang caption, "KathNiels, Kathcakes, Solid DJ maraming maraming salamat sa inyo, hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama [red heart emoji]."
Read: Celebrities send hugs and love to KathNiel after ex-couple confirmed breakup
Maging ang dalawang nakababatang kapatid ni Daniel na sina Magui at Carmella ay hindi rin nakaligtaang magpaabot ng mensahe kay Kathryn.
"We love you [blue heart emoji]," komento ni Magui sa Instagram post ni Kathryn, kasabay ng pagpost niya sa kanyang Instagram Story ng litrato nila.


Mensahe naman ni Carmella, "I love you my ate."

Nag-post din ito sa kanyang Instagram Story ng litrato nila ni Kathryn habang nakayakap siya rito.

Read: Andrea Brillantes kinuyog ng bashers matapos makumpirma ang KathNiel breakup
READ MORE:
- PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
- Daniel Matsunaga posts hilarious response to netizens who tag him about KathNiel split: "Iba po yun surname ko."
- Boy Abunda on KathNiel breakup: “I honor this pain. I cry for KathNiel as a fan and friend."
- Not true says Robi Domingo about allegedly unfollowing Daniel Padilla, Andrea Brillantes on IG
