Diretsahang itinanggi ng Kapamilya young star na si Gillian Vicencio ang anumang kaugnayan niya sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ang pangalan ni Gillian ay isa sa mga lumulutang na dahilan na sanhi ng breakup ng KathNiel.
Read: Gillian Vicencio: Fast facts you need to know
Kagabi, December 1, 2023, ay mabili na naglabas ng kanyang saloobin ang young Kapamilya star.
Sa pamamagitan ng simpleng post sa X (formerly Twitter), sinabi ni Gillian na: “Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo.”
Pakiusap pa niya, “Bigyan naman po natin sila ng respeto.”
Read: Gillian Vicencio's name gets dragged into KathNiel breakup

Read: Alora Sasam apologizes over “insensitive joke” about KathNiel breakup
Ang post ni Gillian ay nakakuha na ng mahigit 4.5 million views at 53K reactions.
Matatandaang nag-trending ang pangalan ng dalaga noong November 30 matapos opisyal na ihayag nina Kathryn at Daniel ang pagtatapos ng kanilang 11 years na relasyon.
Read: Romnick Sarmenta feels sad about KathNiel breakup
Itinuro ng ilang netizens si Gillian na isa diumano sa mga nakarelasyon ni Daniel.
Ang isa pa ay si Andrea Brillantes.
Batay sa kumalat na unverified post sa social media, September 2022 pa lang ay may problema na sa relasyon sina Daniel at Kathryn dahil umano kay Gillian.
Read: Sharon Cuneta reacts to breakup of Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

Sikreto umanong nag-uusap sina Daniel at Gillian, at nabuko ito ni Kathryn.
Ang tatlo ay nagkasama-sama sa Kapamilya prime-time series na 2 Good 2 Be True kung saan gumanap si Gillian bilang best friend na may lihim na pagtingin sa character ni Daniel.
Part din si Gillian sa latest movie ni Kathryn na A Very Good Girl.
Read: Karla Estrada, Min Bernardo send love to KathNiel amid breakup
