Patuloy pa ring gagamitin ng Television and Production Exponents (TAPE), Inc. ang titulong Eat Bulaga! habang hinihintay ang pinal na desisyon ng Intellectual Property Office (IPO).
Ayon sa pahayag ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Garduque na idinaan sa GMA News, nirerespeto nila ang batas kaya susunod sila sa tamang proseso.
Saad sa pahayag, “As confirmed by the statement released by IPO today, TAPE has a period of 15 days to appeal the decision of the adjudication officer to the Director of the BLA-IPO. Then, appealed decisions may still be appealed to the Director General of IPO within 30 days."
Binawi ng IPO sa TAPE ang paggawad sa kanila ng trademark nitong nakaraang December 4, 2023, na nagsilbing daan din upang ibigay ito sa tunay na may likha ng trademark na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ.
Read: TVJ wins Eat Bulaga! trademark case; IPO cancels Eat Bulaga!/EB trademark of TAPE
Sa presscon ng TVJ nitong Miyerkules, December 6, sinabi nilang umaasa silang rerespetuhin ng TAPE Inc. ang desisyon ng IPO, at hindi na gagamitin ang pangalang Eat Bulaga!.
Read: TVJ: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga!"
Pero base sa pahayag ng TAPE, patuloy pa rin nilang gagamitin ang titulong Eat Bulaga! habang wala pang pinal na desisyon ang IPO.
Saad pa ni Garduque, “As regards the plea of TVJ not to use Eat Bulaga, TAPE will continue to use the name Eat Bulaga for its noontime show pending the appeals.
“The appeal will be considered moot and academic if it heeds to the plea of TVJ. In the same vein, TAPE likewise hopes that TVJ will not use Eat Bulaga pending the appeals in accordance with the law and rules and wait for the finality of the decision.”
Read: TAPE to appeal IPO decision to cancel its Eat Bulaga! trademark
Sa ngayon, nanatiling E.A.T. pa rin ang titulo ng noontime show ng TVJ at legit Dabarkads sa TV5.
Pero, malaya na nilang naisisigaw ang salitang "bulaga" at nakakanta na ang original theme song ng noontime show.
Read: TVJ at legit Dabarkads, malaya nang naisisigaw at kinakanta ang "Eat Bulaga!"
