Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato nina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara na magkasama.
Ito'y sa kabila ng espekulasyong hiwalay na sila sa kani-kanilang partners.
Si Sarah sa asawa niyang si Richard Gutierrez, at si Kyline sa boyfriend nitong si Mavy Legaspi.
Read: Kyline Alcantara-Mavy Legaspi relationship: A timeline
Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati love story: A timeline
Noong December 9, 2023, in-upload ni Kyline sa kanyang Facebook page ang litrato ng naging bonding nila ni Sarah.
Makikita rito ang candid photo ng dalawa habang masayang nakangiti na animo'y nagtatawanan.
Kalakip nito ang caption na, "Celebrating the elegance of womanhood [heart emoji]."
Ini-upload din ito ni Kyline sa kanyang Instagram Stories na agad namang ni-repost ni Sarah.


Wala man silang nabanggit na ibang detalye tungkol sa kanilang naging pagkikita, pero hinala ng netizens na may kaugnayan daw ito sa pinagdadaanang kontrobersiya ng dalawa.
SARAH-RICHARD BREAKUP RUMORS
Nagsimula ang espekulasyong may pinagdaraanan ang relasyon nina Sarah at Richard matapos mapansin ng mapanuring netizens na tila hindi na sila nagkakasama sa mga lakad nila.
Lalo pa't kilala ang dalawa na mapag-post ng kanilang family trip at bonding sa social media.
Mas tumindi pa ang intriga noong October 26, nang mag-post si Sarah sa Instagram ng video kasama ng dalawang anak nila ni Richard na sina Zion at Kai.
Wala sa video si Richard.
Nilapatan ni Sarah ang video ng kantang "i am not who i was" ni Charles Peña na may lyrics na "So, if I fly too far / Will I still have a place inside your heart? / And, when you see what I've become / Will you love me for who I am, not who I was?"
Read: Abot-Kamay Na Pangarap star Kazel Kinouchi denies rumors linking her to Richard Gutierrez
Wala rin si Richard sa picture ni Sarah at ng mga anak na nakasuot ng Halloween costumes habang sila ay nasa hardin ng isang bahay noong October 28.
November 2 at November 4, nag-update si Sarah ng bakasyon nila ng mga anak sa Camp Sirums, isang beach resort sa Siruma, Camarines Sur. Kapansin-pansin ding wala si Richard.
Read: Sarah Lahbati gets asked by netizens: "Why no pic with Richard Gutierrez?"
Maging sa big occasions sa showbiz circles ay hindi rin namamataan sina Sarah at Richard.
Solong rumampa si Sarah sa store opening ng isang Korean eyewear brand noong October 16.
Maging si Richard ay solo ring dumalo sa Opulence Ball na ginanap noong October 30, 2023 sa Marquis Events Place sa BGC.
Noong October 31, nag-post si Richard ng ilang mga litrato na kuha sa birthday celebration ng ina niyang si Annabelle Rama, at dito ay wala si Sarah.
Hanggang nitong December 8, nakapanayam ng ABS-CBN si Annabelle at dito tila kinumpirma niyang may pinagdadaanan nga ngayon sina Sarah at Richard.
Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?
Sabi pa ni Annabelle sa isang post sa social media, ayaw niyang maghiwalay ang dalawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo.
Pero may pasaring din ang celebrity mom na tila nagwawaldas ng pera si Sarah habang ang anak niyang si Richard ay kayod nang kayod.
Read: Annabelle Rama, iginiit na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati
Nasundan pa ito nitong Linggo, December 10, nang muling magpasaring si Annabelle laban sa hindi niya pinangalanang “devil woman.”
Para raw mahulaan ng mga “marites” o mga tsismosa kung sino ang “devil woman” na tinutukoy niya, nirekomenda nitong panoorin ang Hollywood movie na Gone Girl, tampok sina Ben Affleck at Rosamund Pike.
Ang Gone Girl ay tungkol sa isang misis na pineke ang kanyang murder at gumawa ng scheme para mapagbintangan ang mister niya sa krimen.
Buong post ni Annabelle (published as is), “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR.
“Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN”
Read: Who is Annabelle Rama alluding to in “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR” post?
Nito namang nakaraang December 8, may patama rin ang ama ni Sarah Lahbati sa isang taong hindi nito pinangalanan.
Sabi ni Abdel Lahbati, “Enjoying every moment with family.
The convoy keeps going and don’t mind dogs barking [flexed biceps emoji]”
Hula ng mga netizens, si Annabelle ang kanyang pinatatamaan.
Read: Who is Sarah Lahbati’s father alluding to in “dogs barking” post?
Samantala, umiwas naman si Sarah na sagutin ang mga tricky questions ng showbiz press na may kaugnayan sa relasyon nila ni Richard sa story conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa na ginanap noong Sabado, Disyembre 9, 2023.
Read: Sarah Lahbati dodges question about rumored breakup with husband Richard Gutierrez
KYLINE-MAVY BREAKUP RUMORS
Kamakailan din nang pumutok ang balitang diumano'y hiwalay na ang magkasintahang Kyline at Mavy.
Lalo pa itong umalab nang mag-post ang ina ni Mavy na si Carmina Villarroel ng mga mensaheng tila may pinatatamaan.
Read: Carmina Villarroel posts cryptic tweet amid Mavy Legaspi, Kyline Alcantara rumored breakup
Maging ang mga makahulugang post, Instagram Stories, at caption ni Kyline ay animo'y sagot sa mga cryptic post ni Carmina.
Read: Kyline Alcantara, Carmina Villarroel both post cryptic message about “peace”
Pinatindi pa itong espekulasyong may problema sina Kyline at Mavy nang kumalat sa social media ang video nila sa isang event na hindi sila nagpapansinang dalawa.
