PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Lahbati reacts to “waldas pa more” comment of netizen

Sarah Lahbati answers "waldas" comment on Instagram.
by Arniel C. Serato
Published Dec 13, 2023
Sarah Lahbati reacts to "waldas" comment
Sarah Lahbati replies to netizen commenting on her post about "waldas."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Natatawang emoji lamang ang tanging sagot ni Sarah Lahbati sa komento ng isang netizen tungkol sa pagwawaldas ng pera.

Sa Instagram ngayong Miyerlules, December 13, 2023, nagbahagi ng short reel si Sarah tungkol sa isang mamahaling brand.

View this post on Instagram

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Komento ng netizen: “Waldas pa more [laughing emoji]”

Laughing emoji din lamang ang sagot ni Sarah sa nasabing komento.

Sarah Lahbati waldas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging usap-usapan ang salitang "waldas" dahil sa mga pasabog ni Annabelle Rama nitong nakaraang December 8 kung saan sinabi niyang isang buwan nang naninirahan ang anak na si Richard Gutierrez sa tahanan nila sa Quezon City.

Pagkatapos ng Pasko, maglilipat na raw si Richard ng mga gamit nito mula sa tahanan sa Alabang na tinitirhan nila ni Sarah at ng kanilang dalawang anak.

Saad ni Annabelle, "Si Richard, nasa bahay ko ngayon, one month na. Pero unti-unti siyang lumilipat ng gamit sa Alabang. Lilipat na siya after Christmas."

Ayon pa kay Annabelle, nasa poder ngayon ni Richard ang dalawang anak nila ni Sarah.

At magdiriwang daw silang buong pamilya sa Japan kaso may isang hindi kasama, at lumabas ngang si Sarah ang kanyang tinutukoy.

Aniya, "Sama-sama buong pamilya ko... minus one lang."

Nang tanungin kung may gusot sila ni Sarah, sagot ni Annabelle, "Hindi ko siya kinakausap. Wala akong time makipag-usap sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Annabelle, "Mahirap sa kanya kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho, wala siyang ginawa kundi magtrabaho.

"Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng gulo. Yun lang yun. Maghihintay lang kayo kasi malalaman niyo rin, not now.

"Nakikita mo naman di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan, di ba? Si Richard trabaho nang trabaho, yung isa nagwawaldas ng pera. Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Hindi pa nagsasalita si Sarah tungkol sa mga rebelasyon ng kanyang biyenan tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Richard.

Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Lahbati replies to netizen commenting on her post about "waldas."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results