PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did DJ Jhai Ho take a swipe at Alora Sasam over KathNiel breakup?

DJ Jhai Ho: "Te! Kung tunay kang friend mag-break man both sila protektahan mo."
by Arniel C. Serato
Published Dec 18, 2023
DJ Jhai Ho takes a swipe at Alora Sasam?
Is DJ Jhai Ho (left) alluding to Alora Sasam (right) over KathNiel (center) breakup: "CLUE si GIRL ay diumano SAWSAWERA as per mga fans at TRENDING SIYA not once but twice."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Malinaw na may pinatatamaan ang TV host na si DJ Jhai Ho sa marami niyang mensaheng pinakawalan sa X (dating Twitter) kahapon, December 17, 2023?

Kaugnay ito sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pareho niyang kaibigan.

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

Unang mensahe ni Jhai Ho, "Teka?!!! Ang ganda ng gising ko pero bakit may nakiki unfollow??? at sumasawsaw???"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "Ang galing din ano nanahimik tapos after ng mga ganap balik parinigan? ano kaya planado? hmmmmmm please naman wag na makisale oh.. may pag unfollow kapa eh..."

Pagkatapos ay nagbigay pa si Jhai Ho ng isang blind item na tumutukoy sa tinagurian niyang "sawsawera."

Aniya, "Tutal miss niyo ako sa Marites University at dahil resigned ako doon may ako.. Blind Item!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The Who: Sino itong Girl na narinig sa isang event na chumika sa mga ibang artista na anlkas ng boses kesyo pag nakikita daw niya ang mga Kamag anak ni BOY na sikat eh GIGIL siya?"

Nagbigay pa siya ng clue kung sino ang tinutukoy niya: "si GIRL ay diumano SAWSAWERA as per mga fans at TRENDING SIYA not once but twice."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Base sa komento ng maraming netizens, naniniwala silang si Alora Sasam ang pinatatamaan ni Jhai Ho.

In-unfollow raw ni Alora si Daniel sa Instagram.

Alora Sasam netizens clue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong kaibigan ni Alora sina Kathryn at Daniel, pero lumalabas na kumampi si Alora kay Kathryn sa hiwalayan nila ni Daniel.

In-unfollow pa nga ni Alora si Daniel sa Instagram.

Read: Alora Sasam unfollows Daniel Padilla on Instagram

"BOTH SILA PROTEKTAHAN MO."

Ayon pa kay Jhai Ho, naiintindihan naman niyang mas close sa isa ang taong tinutukoy niya, pero dahil pareho niyang kaibigan ang nag-break, dapat daw ay protektahan niya pareho ang mga ito lalo na sa ganitong pagkakataon.

Saad niya, "DIKO Kasi gets talaga as if hindi siya pinakitunguhan ng GUY ediba naki barkada din naman siya. gets na mas close ka sa isa pero as if walang magandang nagawa at pakikitungo sayo para ganyanin mo? te! kung tunay kang friend mag break man both sila protektahan mo."

Pinanindigan din ni Jhai Ho na "mabuting tao" si Daniel kahit maraming kumakalat ngayong balitang nangaliwa ito habang sila pa ni Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang itinuturong dahilan ng hiwalayan ng KathNiel ay si Andrea Brillantes.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Saad ni Jhai Ho: "Basta ako hindi naniniwala sa mga fake news at mga kung ano anong sinasabi sa soc med!!! Para sakin Mabuting tao si DJP! As in! hanggang sa buong Pamilya at sa pamilya grabe nya kami pinakikitunguhan at Minahal. kasi ganun siyang kaibigan at magpahalaga saamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hanggang sa Pamilya ko mula sa pamilya niya! kahit nga staff ko sa mga negosyo concern yan sila. Hindi ako ever pinabayaan. Not for anything pero alam ko sa oras na ganito Ilalaban ko si DJP dahil Mabuti siyang tao. Mabait. MAKATAO!"

Wala pang reaksiyon si Alora sa mga pasaring ni Jhai Ho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is DJ Jhai Ho (left) alluding to Alora Sasam (right) over KathNiel (center) breakup: "CLUE si GIRL ay diumano SAWSAWERA as per mga fans at TRENDING SIYA not once but twice."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results