Ibinahagi ni Andrea Brillantes kung ano ang nilu-look forward niya sa darating na 2024.
Ang taong 2024 ay Year of the Wood Dragon.
Sa panayam ng ABS-CBN, na lumabas sa kanilang Instagram account kagabi, December 17, 2023, inamin ni Andrea na wala naman siyang masyadong ini-expect para sa susunod na taon kundi “growth” at “healing.”
Sabi pa ng controversial actress, “Di na kasi ako masyadong nag-i-expect, basta growth lang, healing.”
Ang Christmas wish naman daw niya ay sana matuto na siyang mag-drive.
Dagdag niya, “Christmas wish ko? Masaya naman na po kasi ako, healthy yung buong family ko,
“And maayos naman kami. Siguro, Christmas wish ko na lang ano, matuto na mag-drive.”
Nasa gitna pa rin ng mainit na usapan ang aktres matapos ang scoop ng PEP.ph (Philippine Entertainemtn Portal) ngayong araw, December 18, na si Andrea mismo ang lumapit kay Kathryn Bernardo upang ipaalam dito na nagkaroon sila ng ugnayan ni Daniel Padilla.
Iba’t ibang trusted sources ang nagbigay ng kanilang nalalaman ukol sa isyu.
Nitong nakaraang December 7, 2023, tumangging magkomento ang young actress sa isyu.
Abala raw siya sa proyektong Senior High kaya tuloy lamang ang buhay para sa kanya.
Saad ni Andrea, “Di pa puwede mag-stop. Ang dami pa akong kailangan gawin in life. Madami pa akong kailangan bayaran."
Read: Andrea Brillantes refuses to comment on Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup
Kaliwa’t kanan ang batikos ng netizens kay Andrea, na itinuturong third party umano sa KathNiel breakup pero deadma na siya rito.
Read: Andrea Brillantes kinuyog ng bashers matapos makumpirma ang KathNiel breakup
Ipinagtanggol naman si Andrea ng inang si Belle Brillantes mula sa bashers.
Read: Andrea Brillantes’ mother to critics of daughter: “Bahala kayo dyan lahat magkagulo”
Kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan nitong nakaraang November 30.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
