Nagbitiw na si Wilbert Tolentino bilang talent manager ng Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol.
Sa Facebook post ni Wilbert ngayong Lunes ng umaga, July 24, 2023, inanunsiyo niya na hanggang sa katapusan na lang ng Hulyo mananatili si Herlene sa kanyang pangangalaga.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Ako po ay opisyal ng magbibitiw bilang Talent Manager ni Herlene Hipon Budol effective July 31, 2023.
"Sa loob ng isa’t kalahating taon, tumayo akong pangalawang magulang niya, sa kanyang karera at tinuring ko siyang para ko na rin anak."
Ayon kay Wilbert, kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan at magpakaama sa kanyang anak kaya't napagdesisyunan niyang bumitaw na sa pagiging talent manager ni Herlene, na inilarawan niya bilang isa sa pinakamahirap na trabaho.
Hindi sinabi ni Wilbert kung si Herlene lang ang binitawan niyang talent dahil mayroon pa siyang ibang alaga, gaya ng influencer na si Madam Inutz.
Read: This dad wants memorable party for his son; sets 7-digit budget for baptism, first birthday
Saad ni Wilbert, "Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinagisipan.
"Subalit kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyan oras ang aking anak dahil una sa lahat tumatanda na si KaFreshness, at higit akong kailangan nya lalo't lumalaki na siya.
"Di lingid sa lahat, na bilang Talent Manager, ito ay ubos-oras na tungkulin.
"Kulang ang bente kwatrong oras sa isang araw para sa sarili kong buhay.
"Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene."
Ibinida rin ni Wilbert ang mga narating ni Herlene sa buhay at karera bilang beauty queen at artista habang ito'y nasa kanyang pangangalaga.
Read: Herlene Budol's reaction after winning Miss Philippines Tourism 2023 crown
Aniya, hindi lamang ito tagumpay ng Kapuso actress kundi tagumpay at karangalan din niya bilang manager.
"Sa maikling panahon ng pag-aalaga ko sa kanya, marami na din kaming na-achieve, hindi lang sa buhay nya kung di sa karera nya bilang Beauty Queen.
"Unang salang ko sa kanya sa Binibining Pilipinas 2022 ay naging 1st Runner-up cya ka agad sa tulong ng Kagandahang Flores at buong KaFreshness Glam team at dahil dyan marami ako nakuhang endorsement at proyekto para sa kanya at wala pong komisyon kahit magkano dahil un ang napapaloob sa aming Kontrata at napagkasunduan bilang manager nya.
"Ngayun naman na Kapapanalo lang nya bilang Miss Philippines Tourism 2023. Masaya ako para sa kanya dahil maka tungtong cya sa International Stage sooner.
"Pagdating naman sa pag-aartista, na bigyan ko naman eto ng isang malaking break sa tulong ng Kapuso Network na nagkaroon cya agad ng first lead role sa Magandang Dilag at mataas na ratings!
"Marami pa cyang upcoming project na naisara ko para sa kanya hangang matapos ang taong 2023 ay magkakaroon cya ng TV Commercial, Billboard at makikita nyo soon sa lahat ng supermarket ang mukha ni Herlene na e lalaunch ang isang produkto sa last quarter ng taon."
Read:
- Herlene Budol, inihayag ang tunay na saloobin sa resulta ng Miss Grand Philippines 2023
- Herlene Budol not representing PH at Miss Tourism World 2023 — Miss Grand PH org
- Herlene Budol apologizes for her Miss Grand Philippines 2023 interview: “Di ko lang po talaga na-gets yung tanong.”
Hiling din ni Wilbert na sana'y manatili sa puso at isipan ni Herlene ang mga aral at payo na itinuro niya rito.
Kalakip nito ang dalangin niyang mas lumago pa ang showbiz career ng Kapuso star.
Read: Herlene Budol proudly shows "Budol residence" to family
"Masaya ako para kay herlene dahil natulungan at natupad ko mga pangarap nya tulad ng Bagong Bahay, kotse at iba pang investment na e pundar po nya.
"Malayo pa ang mararating ni herlene.
"Sana lang isapuso nya ang core value na itinuro ko sa kanya na COMMITMENT, PROFFESIONALISM and GRATITUDE.
"I am very optimistic na lalago pa ang karera nya and more endorsement, tv shows and movies to come!"
Read:
- Herlene Budol reveals real reason for joining Binibining Pilipinas: "Praktikal na tayo"
- Herlene Budol, binalak umatras sa Miss Grand Philippines 2023
Sa huli, nagpasalamat si Wilbert sa mga kumpanya sa likod ng endorsement ni Herlene, sa Kapuso Network , at sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagtiwala sa kanila.
Aniya, "Gusto ko rin magpa Salamat sa mga kumpanya nag tiwala sa amin ni Herlene at e render ko ng maayos ang mga napagkasunduan at napirmahan namin ang mga Kontrata.
"Ang KaFreshness Admin at sa mga followers ng mga KaFreshness, Kainutz, KaSquammy, KaHiponatics, at KaBudol na sumusupporta sa amin ni Herlene!
"Hanggang sa muli."
Wilbert's Cryptic post
Nangyari ang pagsasapubliko ni Wilbert sa pagbibitiw niya bilang manager ni Herlene ilang oras matapos ang kanyang cryptic posts patungkol sa mga umano'y "sinungaling at mga abusadong tao."
"Sa likod ng mga mabubuting tao, nandiyan ang mga abusadong tao," mababasa sa post ni Wilbert.
Nasundan pa ito ng isa pang post na, "Mas madaling patawarin ang taong umaamin, kesa sa taong huling-huli mo na, nag sisinungaling pa rin."
Dagdag pa rito ang post niyang, "Ang sakit lang sa feeling na lagi akong nandiyan para sa iba, pero pag ako na ang mat problema lagi akong mag-isa."
]Mga bagay na palaisipan sa kanyang mga tagahanga kung may koneksiyon ba ito sa pagbibitiw niya kay Herlene.
Komento ng isang netizen (published as is), "Sabi kuna ba may patama lahat ng sinasabi mo lods hahaha good desicion haha."

Sabi pa ng isa, "Tama tlga ung sinabi ni ogie diaz na lumalaki ang ulo ni herlyn."

Saad pa ng isa, "Habang umaangat c herlene parang tumataas na din ego nya sorry to say pero sana wag siyang lumaki ang ulo sa dami ng blessings na dumarating sa knya bagkus magpasalamat at maging magpakumbaba padin sya."

Dagdag naman ng isa, "Sir, Wilbert Tolentino Minsan talaga ang hirap ng walang taong kadamay. Sobrang relate po ako. Salamat po sa Pag bigay mo ng opportunity kay Ms. Budol. Daming na inspire sa kanya. Though wala kang kadamay, Pero may mabuti kang puso. I'm sure darating ang araw may tao ka rin makakasama at makakadamay. Thank you po!"

