May bagong love life ang influencer at actress na si Ivana Alawi, 27.
Sa panayam ng TV Patrol kay Ivana kahapon, January 3, 2023, inamin niyang masaya ang kanyang puso ngayon.
Ayon kay Ivana, "My heart is happy. Happy.
"Ayoko muna sabihin super happy kasi siyempre ano pa lang, start pa lang.
"So, happy."
Non-showbiz daw ang kanyang special someone at ito umano ang mas gusto niya.
Ayaw niya raw may karelasyong artista.
Paliwanag ni Ivana, "Selosa kasi ako. So, hindi mag-work pag showbiz at magulo.
"Gusto ko ng private relationship."
Hindi nagbigay ng maraming detalye si Ivana sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Pero hindi raw ito seloso sa kanyang mga katrabaho o mismong sa kanyang trabaho sa showbiz na demanding ang oras.
Saad ni Ivana, "Alam mo yung nagustuhan ko, wala siyang kayabang-yabang.
"Kasi ang number one na nagte-turn off sa akin yung mayabang, ayoko ng ganun.
"I'm super blessed and I'm so happy and feeling ko malapit na, puwede na mag-ano na, mag-asawa, ganun. Charot lang."
May plano na nga ba siyang mag-asawa?
"Hindi, joke lang yun. Siguro mga 30. May three years pa," sagot ni Ivana.
Noong December 2023, sinabi ni Ivana sa isang hiwalay na panayam na may kinakatagpo siya. Pero hindi siya nagbigay ng anumang detalye ukol dito.
Read: Ivana Alawi reveals relationship status: "I am seeing someone."
Noong taong 2020, inamin ni Ivana na naranasan niyang gastusan ang mga dating boyfriend at naloko nang ilang beses ng mga dating karelasyon.
Read: Ivana Alawi reveals she was used as cash cow, cheated on by ex-boyfriends
