PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax, behaved na pagkatapos ng kasunduan sa MTRCB?

Mercedes Cabral, bida sa Top 2 of the Week ng Vivamax.
by PEP Troika
Published Feb 15, 2023
vivamax movies
Some of the sexy movies that can be streamed in Vivamax are Bela Luna, Suki, and Boso Dos.

JERRY OLEA

Nagkaroon ng mga pagbabago sa Vivamax dahil sa pagpirma nila ng memorandum of agreement with Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Enero 27, 2023, at dahil sa pag-uumpisa ng Viva Prime noong Enero 29.

Read: Vivamax, partner ng MTRCB sa Responsableng Panonood campaign

Bago pa ang pirmahan ng MOA, tinanggal na ang ilang matitinding eksena sa Vivamax movies na Silip Sa Apoy, Alapaap, Bata Pa Si Sabel, at Bugso.

Nag-tone down ang trailers at publicity photos ng mga palabas nila this year gaya ng Tag-init (Enero 20) nina Franki Russell at Yen Durano; Bela Luna (Enero 27) nina Angeli Khang, Kiko Estrada, at Mark Anthony Fernandez; four-part anthology na Erotica Manila (Enero 29) nina Alex Medina, Azi Acosta, Josef Elizalde, Cara Gonzales, Mercedes Cabral, Vince Rillon, at marami pang iba; Boso Dos (Pebrero 3) nina Micaella Raz, Gold Aceron, at Vince Rillon; at La Querida (Pebrero 10) nina Angela Morena, Arron Villaflor, Mercedes Cabral, at Jay Manalo.

Read: Full-frontal nudity scenes sa ilang Vivamax movies, pinutol na

Palaban pa rin sa hubaran ang mga artista at panay-panay ang pa-boobey ng mga babae.

Sa Boso Dos ay may dalawang lalaki na nag-frontal sandali sa party scene habang naghuhubo, pero lupaypay ang kanilang private part.

So far this year, wala pang palabas ang Vivamax kung saan ipinapakitang nagsasariling-sikap ang lalaki at may erection, totoo man iyon o prosthetic.

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

Iyong mga pa-wholesome na palabas ng Vivamax ay inilipat sa Viva Prime. Kapag Viva Prime, ang palabas ay family-oriented, child-friendly, wholesome, or feel-good kagaya ng Maid in Malacañang, Greed, 366, The Seniors, at Habangbuhay.

Pam-Vivamax iyong risque, edgy, at intended for mature audiences katulad ng Bela Luna, Scorpio Nights 3, Iskandalo, Pamasahe, at Ang Lihim ni Antonio.

Read: What led VIVA to create two streaming platforms Vivamax and Viva Prime

May bagong content sa Viva Prime tuwing Miyerkules.

Sa Vivamax, may bagong handog tuwing Biyernes at Linggo.

Dati-rati ay hiwalay ang listahan ng Top 10 Movies at Top 10 Series of the Week ng Vivamax. Ngayong Pebrero 15, Miyerkules ng umaga, ay inilabas ng Vivamax sa Twitter at Facebook ang talaan ng Top 10 of the Week, kung saan kasama si Mercedes Cabral sa first 2.

Nanguna ang La Querida na nag-streaming noong Pebrero 10, Biyernes.

Bahagi ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa istorya nito. Nag-shooting ang pelikula sa Luneta pati sa Fort Santiago ng Intramuros, Manila.

As mentioned previously, co-stars ni Mercedes sa La Querida sina Jay Manalo, Arron Villaflor, at Angela Morena. Idinirek ito ni GB Sampedro.

Pumangalawa sa talaan ang Erotica Manila ni Direk Lawrence Fajardo.

Sa Episode 3 (“The MILF and the OJT”) na nag-streaming noong Pebrero 12, Linggo, ay contrasting ang sabayang harutan nina Mercedes at Vince habang nagre-rehearse, at ang lampungan nina Nathan Cajucom at Amanda Avecilla.

Nakakaaliw ang dynamics dito nina Andoy Ranay at Ram Tolentino bilang director at assistant director, respectively, sa shooting kunwari ng Hubad Na Paraiso.

Ang iba pang Vivamax projects sa Top 10 of the Week ay ang six-episode na Lovely Ladies Dormitory (3), Boso Dos (4), Bata Pa Si Sabel (5) ni Micaella Raz, seryeng High (School) On Sex (6) ni Direk GB Sampedro, Bela Luna (7), Tag-init (8), Pamasahe (9) ni Azi Acosta, at Eva (10) ni Angeli Khang.

Kagaya ni Mercedes Cabral, tigdadalawa ng pinagbidahan sa Top 10 of the Week sina Micaella Raz (Boso Dos, Bata Pa Si Sabel), Yen Durano (Lovely Ladies Dormitory, Tag-init), Azi Acosta (Episode 1: “Cinema Parausan” ng Erotica Manila, Pamasahe), at Angeli Khang (Bela Luna, Eva).

Wala sa Top 10 of the Week ang alinmang Vivamax project ni AJ Raval. Meron pa bang next project si AJ sa Vivamax pagkatapos ng Us x Her with Kiko Estrada and Angeli Khang?

vivamax top 10

Streaming sa Pebrero 17, Biyernes, ang pelikulang Lagaslas na bida ang mga baguhang sina Manang Medina at VR Veloso, sa direksiyon ni Christopher Novabos. Nasa cast din nito sina Julio Diaz at Rubi Rubi.

Sa Pebrero 19, Linggo, ang streaming ng Episode 4: “Death By Orgasm” ng Erotica Manila, starring Felix Roco, Benz Sangalang, and Alona Navarro.

Sa Pebrero 24 ang streaming ng Suki ni Azi Acosta, sa direksiyon ni Albert Langitan. Co-stars dito sina Alona Navarro, John Flores, Jiad Arroyo, Yda Manzano, at Soliman Cruz.

Sa Pebrero 26 ang pilot episode ng sexy thriller series na Stalkers starring Wilbert Ross, Rose Van Ginkel, Mark Anthony Fernandez, and Nico Locco, sa direksiyon ni Easy Ferrer.

Sa Marso 3 ang streaming ng Lawa nina Cara Gonzales, Jela Cuenca, Sean de Guzman, and Josef Elizalde, sa direksiyon ni Phil Giordano.

Sa Marso 10 ang streaming ng Botox Beauty ni Ayanna Misola, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr. Tampok din dito sina Nikko Natividad, Alma Moreno, Andrew Muhlach, Marissa Delgado, Marissa Sanchez, Giselle Sanchez, at Debbie Garcia.

Sa Marso 31 ang streaming ng Balik Taya nina Angeli Khang, Kiko Estrada, Azi Acosta, at Jela Cuenca, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

GORGY RULA

Kahit magpaka-behave na ngayon ang Vivamax, pumasok na ang streaming app na ito sa kamalayan ng netizens at tinututukan pa rin ng mga subscribers.

Hindi lang na-monitor kung nabawasan ba sila ng subscribers, na halos 6M na raw worldwide. Pero tuluy-tuloy pa rin ang paggawa nila ng palabas at tumutuklas ng mga bagong mukha.

Hindi na nga natin gaanong kilala ang mga kagaya nina Micaella Raz, Azi Acosta, at marami pa, may mga bago na naman silang ilulunsad.

Tingnan natin kung magmamarka si Manang Medina sa pelikula niyang Lagaslas.

Malapit na kayang makalimutan si AJ Raval na isa sa nagpasikat sa Vivamax?

Mainit na naman siya ngayon dahil sa ipinost ni Aljur Abrenica. Naba-bash tuloy siya nang bonggang-bongga, na ang iba ay tinatawag siyang "kabit."

Kaloka!

Taong 2023 na, ito pa rin ang pinag-uusapan natin!

Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts

NOEL FERRER

Ano na ang nangyari sa agreement ng Vivamax at MTRCB?

Na-temper na ba ang mga provocative scenes sa pelikula at serye nila after ng kanilang memorandum of agreement?

Kumusta ang number of views and subscribers? Hindi pa ba saturated ang market sa mga sexy viewing fare?

Pinag-initan ang AQ Prime na nag-streaming ng Mang Kanor umpisa Enero 28.

Read: MTRCB, sinita ang unauthorized public exhibition ng Mang Kanor

Nitong Pebrero 14 ay madrama ang BL movie na Valentine presentation ng AQ Prime, ang Baka Sakali ng mga newbie na sina Drei Arias, Leandre Adams, at Seon Quintos, plus April “Congratulations” Gustilo.

Tingnan natin kung gaano ka-daring ang mga susunod na handog ng AQ Prime na Upuan (Pebrero 28) nina Krista Miller, Andrew Gan at Nikka Madrid; Cuatro (Marso 11) nina Rico Barrera, Nika Madrid, Jet Delgado, at Joni McNab; at Losers - 1, Suckers - 0 (Marso 25) nina Ara Mina at Yana Fuentes.

Streaming din sa AQ Prime ang mga lumang pelikula gaya ng Atsay (1978) nina Nora Aunor at Ronald Corveau, Mga Mata ni Angelita (1978) ni Julie Vega, Bakit May Putik Ang Bulaklak (1979) nina Lorna Tolentino at Walter Navarro, Kuwatog (1979) at Nognog (1980) ni Niño Muhlach, Miss X (1980) nina Vilma Santos at Mark Gil, Burgis (1981) nina Gabby Concepcion at Amy Austria, Haplos (1982) nina Vilma Santos at Christopher de Leon, I’ll Wait For You (1983) nina Gabby Concepcion at Janice de Belen, Buhay Misis (1983) nina Dina Bonnevie at Vic Sotto, Charot (1984) ni Roderick Paulate, Miguelito: Batang Rebelde (1985) ni Aga Muhlach, Zuma (1985) ni Max Laurel, at marami pang iba.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some of the sexy movies that can be streamed in Vivamax are Bela Luna, Suki, and Boso Dos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results