Ipinagtanggol ni Ruffa Gutierrez ang inang si Annabelle Rama mula sa mga mapanghusgang netizens.
Sa Facebook, ni-reshare ni Ruffa ang post ng kaibigan nilang isang travel agency owner sa Japan.
Dito ay pinuri ng kaibigan ang ugali ni Annabelle na taliwas daw sa mga masasamang salitang ipinupukol dito ng iba.
Sabi ng travel agency owner tungkol sa kontrobersiyal na celebrity mom, “Im very vocal to say na i love tita Annabelle Rama
"kung mag babased ka lang sa mga news or sa mga napapanood mo akala mo mahirap siya kausapin
"pero nung naka sama ko dito sa Japan makikita mo na napaka loving mommy, grandparent siya and wife
"nakakatuwa kasama at masarap kausap FYI [heart emoji]
“Tama parin ang salita na wag ka mag judge ng tao if hindi mo personal na kilala or nakakasama.
“till next travel [smiley, heart emojis]”
Caption ni Ruffa sa kanyang post, “Thank you dearest Glenda! I’ll share your thoughts with Mom!”
Sa comments section ng post ni Ruffa, maraming netizens ang pumuri sa pagiging prangka umano ni Annabelle.

Pero may ibang netizens namang naghayag ng kanilang disgusto kay Annabelle, na kilala sa showbiz bilang palaban.
Sinagot ni Ruffa ang ilan sa mga ito.
Ayon sa isang netizen (published as is), “Syempre depende ksi sa status ng tao o relationship kaya iba pakitungo nya sayo. Syempre pag d mo kasama o minsan lng magkita alangan magsungit o mag attitude agad. Hahaha pero makikita tlg ang ugali kng magkasama sa bahay at lagi mo nakasalamuha. Pero nsa status tlg un. Hahahah”
Sabi naman ni Ruffa, “Dami mong time mag assess, dear. [laughing emoji]”

Dagdag ng isa pang netizen (published as is), “Syempre nakasama mo maikling panahonlang ang isang tao makikilalamo satagal mongmakasama doonalumalabas ang tunay naugalinya alangan namang isangbuwan palangkayong nagsasama masamana agadipakikita sayo syempre konwaremagandanaman piro masamatalaga malalaman molang pagmatagal mosyang makakasama dba maykasabihan tayo na ang magkakadugo paglagingnagkikita hindi gaanongmalilapit saisat isa piropagmalayo pagnagkikita super saya nila ganon ang ugali ni mam anabel lumalabas ang tunay na ugali”

Tugon ni Ruffa, “your post is sooooo long, dear! Pls enjoy your new year instead of worrying about my family. [thumbs up emoji] we are good. [thumbs up emoji]”

Sa Japan sinalubong ng Gutierrez family ang Bagong Taon, 2024.
Read: Ruffa Gutierrez posts photos of family moments from Japan trip
