PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rama and Fermin Reconcile with Kind Words

Annabelle Rama to Cristy Fermin: "Merry Christmas and Peace Be With You."
by Arniel C. Serato
Published Dec 14, 2023
Annabelle Rama, Cristy Fermin end rift
Annabelle Rama mends decades-long rift with Cristy Fermin: "I am sorry kung ano mang di magandang mga text na nasabi ko sa iyo."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Tinapos na ni Annabelle Rama ang matagal na nilang hidwaan ng veteran showbiz writer at host na si Cristy Fermin.

Sa Facebook kahapon, December 13, 2023, inilahad ni Annabelle ang masalimuot na kuwento kung paano sila nagkairingan noon ni Cristy at kung paano sila nagkapatawaran ngayon.

Kuwento niya (published as is), “Mabait talaga sa akin ang Sto. Nino. Sa mga nangyari sa amin na intriga ngayon pinili kong manahimik na lang at pinaubaya ko na lang kay Sto. Nino ang lahat.

“Pag gising ko kaninang umaga maraming text ako natanggap at mga missed calls from my friends na tunay na nakakakilala at nagmamahal sa akin.

“At sabi nila ay may maganda daw silang nabasa sa facebook na sinulat ng number one kong kalaban at pinagtatanggol ako this time.

“Di ako naniwala at baka kako fake news na naman at ginamit lang ang pangalan niya."

Pati mga anak daw niya ay nalaman din ang ginawang artikulo ni Cristy tungkol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya pinapa-double check pa raw niya ito.

Dagdag ni Annabelle (published as is), "Nang kumakain na kami, sinabi ng anak ko, na maganda raw ang sinulat ng nasabing reporter at ipinagtanggol ako, kako baka fake, kaya pina check ko sa PR ng Gutierrez family at na confirmed nga niya na legit iyon account at siya nga mismo ang sumulat."

Dito na nagbalik-tanaw si Annabelle tungkol sa sigalot nila ni Cristy lagpas dalawang dekada na ang nakaraan.

Dawit sa kuwento ang anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez.

Aniya (published as is), "Siguro mga 25years ago, nag katapat na kami nyan, dahil naman sa pag tatanggol ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na sya makita."

Read: Eddie and Annabelle's libel case against Cristy Fermin merits "guilty" conviction

"LUMAMBOT ANG PUSO KO SA KANYA..."

Nitong nakaraang taon, si Annabelle din ang nagtanggol sa mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Paquaio dahil naman sa mga banat ni Cristy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Annabelle (published as is), "Last year, tine text ko sya ng ilang beses kasi ang mag asawa naman ni Manny at Jinky Pacquiao ang kanyang inaaway at di maganda ang mga sinasabi niya. Pinagtatanggol ko naman ang mag asawa. Di nya ako sinagot sa mga text ko, kaya di ko na siya kinulit."

Ngayon, tila lumambot na ang puso ni Annabelle tungkol kay Cristy. Naintindihan daw kasi niya ito na isa ring nanay.

Aniya, "This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pag kampi ko sa anak ko, kaya nya ako naintindihan."

Humingi rin siya ng dispensa rito kung may masasakit man siyang salita na nasabi.

Sabi ni Annabelle, "I am sorry kung ano mang di magandang mga text na nasabi ko sa iyo. At tinawagan ko sya at nag kausap kami at nag pasalamat ako. At sabi pa nga nya regards kay tito Eddie. Tamang tama na magkatabi kami ni Eddie sa upuan, at ipinasa ko kay Eddie ang telepono at nag usap sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nang mag ba-bye sya kay Eddie, sabi nya Tito Eddie, mag pa galing ka, inagaw ko ang telepono at sabi ko, malakas na malakas ang asawa ko. Baka nabasa mo sa facebook na nag kasakit siya dahil sa issue nina Richard at Sarah.

"That’s all fake news, he is very healthy, alive and kicking, he is enjoying the company of his grandchildren.

"Ang tinutukoy ko ay ang isang Cristy Fermin.

"Cristy, salamat sa maganda mong sinulat sa akin.

"Merry Christmas and Peace Be With You."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Laman ng mga balita ngayon si Annabelle dahil sa tila pagkumpirma niya na hiwalay na ang anak na si Richard Gutierrez sa asawa nitong si Sarah Lahbati.

Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama mends decades-long rift with Cristy Fermin: "I am sorry kung ano mang di magandang mga text na nasabi ko sa iyo."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results