PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eat Bulaga! Returns to TVJ: Unique in Name!

"Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga! at yun ang Eat Bulaga! dito sa TV5."
by Erwin Santiago
Published Jan 6, 2024
tito vic & joey eat bulaga
Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon get emotional when they announced that the title "Eat Bulaga!" has returned to its rightful owners, the legit Dabarkads.
PHOTO/S: TVJ Facebook

Pagkatapos ng ilang buwang legal battle ay bumalik na ang titulong Eat Bulaga! sa veteran TV hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ.

Ito ay matapos ilabas ng Marikina Regional Trial Court ang desisyon sa kasong copyright infringement at unfair competition na isinampa ng TVJ, kasama ang creative director na si Jeny Ferre at director na si Poochie Rivera, laban sa TAPE Inc., at GMA Network, Inc.

Ang TAPE ang producer ng Eat Bulaga! mula noong 1981.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Mismong sina Tito, Vic, at Joey ang nag-anunsiyo ng panalo nila sa korte sa pamamagitan ng Facebook live kahapon, January 5, 2024.

Read: TVJ wins copyright infringement, unfair competition cases vs TAPE, GMA-7

Ngayong Sabado, January 6, pormal nang ginamit muli ng TVJ ang Eat Bulaga! bilang titulo ng kanilang noontime show na napapanood sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa opening ng programa ay kumpleto ang TVJ at ang legit Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Miles Ocampo, Carren Eistrup, at Atasha Muhlach sa pagkanta ng theme song ng Eat Bulaga! noong napapanood pa ito sa GMA-7.

Kapansin-pansin ding lahat sila ay nakasuot ng pulang T-shirt—maliban kay Joey na nakaitim na T-shirtna may logo ng Eat Bulaga!.

eat bulaga dabarkads

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Jose Manalo, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, Carren Eistrup, and Atasha Muhlach.

eat bulaga dabarkads

(From left) Maine Mendoza, Allan K., Paolo Ballesteros, and Ryan Agoncillo

Sa screen ay makikita naman ang pagpapalit ng titulong "E.A.T." sa "EAT... BULAGA!"

Pagkatapos nito ay muling binanggit ni Tito ang bahagi ng desisyon ng Regional Trial Court Branch 274 ng Marikina City tungkol sa copyright infringement at unfair competition cases na isinampa ng kanilang kampo:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

eat bulaga decision

eat bulaga decision

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad din dito na ang counterclaim ng TAPE at GMA-7 ay "dismissed for lack of merit."

Iginiit din ni Tito na sa ilalim ng Intellectual Property Rights cases, "any order issued by the court is immediately executory."

Ibig sabihin, agaran ang pagpapatupad ng desisyong ito.

Pagsusuma ni Vic sa mga sinabi ni Tito: "Ibig sabihin din po niyan, e, nanalo po tayo!"

Emosyunal pang dagdag ni Vic, "Tayo po ay sumunod sa batas at kumapit sa katotohanan.

"Isa lang po ang sinasabi ng batas, pati ng mga manonood, isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!.

"Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga! at yun ang Eat Bulaga! dito sa TV5."

Pinasalamatan naman ni Joey ang lahat ng sumuporta at sumama sa kanilang laban.

"Thank you sa mga legit Dabarkads saan mang panig kayo ng daigdig," sambit niya.

Pinasalamatan din ni Tito ang lahat ng co-hosts na "matitibay na lumaban," ang TV5 at MediaQuest, sa kanilang mga abugado sa Divina Law Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Vic naman ang nagpasalamat sa mga sumama sa kanilang staff, sa pangunguna nina Jeny Ferre at Direk Poochie Rivera, pati na ang advertisers at sponsors.

Pinasalamatan din ng triumvirate ang "TVJ defenders."

Saad pa ni Vic, "Eto naman po ay hindi lang laban para sa pamagat o title. Laban po ito para sa programang minahal namin at minahal ninyong lahat."

Dagdag ni Tito, "Magandang simula ito para sa pagharap sa Bagong Taon."

Pagpapatuloy ni Vic, "Sa naging desisyon ng korte, makakapagpatuloy pa rin naman ang lahat sa paghahatid ng kasiyahan sa mga manonood, sa patas at payapang paraan.

"Panalo nating lahat ito!

"Let's all move forward para sa mas masaya at mas makabuluhang Eat Bulaga!."

Ayon naman kay Joey, "Ngayong araw, itong araw na ito... ngayong araw nagbabalik na sa atin ang titulo natin."

Pagkatapos nito ay inanunsiyo ni Joey na muli ring nagbabalik ang Eat Bulaga! sa channel kung saan sila unang nag-umpisa—ang Channel 9 na ngayon ay kilala na bilang CNN Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula ngayong Sabado, January 6, ay mapapanood na rin ang longest-running noontime show sa CNN Philippines tuwing Sabado.

Panghuling mensahe ni Vic: "Basta eto ang totoo. Eto ang itinadhana. Eto ang tunay na Eat Bulaga!."

Samantala, bunsod ng desisyong ito ng Marikina Regional Trial Court, ang titulo ng noontime show ng TAPE na napapanood sa GMA-7 ay ginawa nang Tahanang Pinakamasaya simula ngayong araw.

Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon get emotional when they announced that the title "Eat Bulaga!" has returned to its rightful owners, the legit Dabarkads.
PHOTO/S: TVJ Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results