Hangang-hanga umano si Claudine Barretto kay Ara Mina dahil sa pagiging sweet at concern nito sa iba.
Magkasama sa seryeng Lovers & Liars ng GMA-7 sina Claudine at Ara.
Si Claudine ang bida ng show kung saan ginagampanan niya ang papel ni Via Laurente, ikalawang asawa ni Ramon Laurente na ginampanan ni Johnny Revilla.
Noong pumanaw si Ramon, inihabilin niya kay Via ang pamumuno sa real-estate company na Pacifica.
Si Ara ang gumaganap na unang asawa ni Ramon.
Sabi ni Claudine sa kanyang post sa Instagram kahapon, January 7, 2024, “Gonna miss my Lovers & Liars family [sad emojis] thank u @therealaramina for being so sweet & compassionate. you are truly one beautiful soul. luv u sis [sun with face, praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Ibinahagi naman ni Ara sa kanyang Instagram Story ngayong araw, January 8, ang artikulo ng GMA News Online tungkol sa kanila ni Claudine.
Sabi ni Ara, “Thank you so much sis @claubarretto for the kind words. Hope to work with you again. Lav u”

Ito ang unang pagkakataong nagkatrabaho sina Claudine at Ara.
Sabi ni Ara sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong January 1, “Yes, it's my first time to work with her, after so long.
“Okay, parang akala mo matagal na kaming magkakilala. Hindi naman ako naiilang ka-work siya. But marami kaming matitinding eksena rito."
Huling linggo na ngayon ng Lovers & Liars sa GMA-7.
Read: Claudine Barretto, gagawa ulit ng teleserye sa GMA-7 pagkatapos ng 12 taon
