Walong taon na ang relasyon ni Jasmine Curtis-Smith sa boyfriend nitong si Jeff Ortega.
Read: Jasmine Curtis-Smith very happy with boyfriend Jeff Ortega
Inamin niya sa naunang panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda na matagal na silang nagli-live-in.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang miyembro ng media si Jasmine pagkatapos ng media conference ng pinagbibidahan niyang teleserye sa GMA-7, ang Asawa Ng Asawa Ko, kahapon, January 9, 2024.
Dito ay inusisa namin ang aktres sa live-in setup nila ni Jeff.
Ilang taon na ang relasyon nila bago sila nagdesisyong mag-live-in?
Saad ni Jasmine, "Wala pa, wala pa yatang three years.
"Advance kami! Advance kami!"
Paano tumagal ang relasyon nila?
Paliwanag niya, "Yes, and I know a lot of people, pag ganun na katagal, parang, ito, lalo na, they say, make or break at seven years.
"But kami kasi parang napatunayan namin na... 'No, ito na yung perfect place na kapag hindi tayo nagkakaintindihan.
"'Wala tayong choice but to say, yes, because we're together in one room.'
"So I'm not sure po, parang, it's been really good for the both of us."
Okay raw sa kanya na hindi sila nagkaanak sa loob ng halos anim na taon nilang pagsasama.
Sabi ni Jasmine, "Tsaka, well, actually, organic na nangyari yung live-in.
"Pero ano kasi kami, very conscious sa timeline namin.
"Parang kung gusto namin, sana sundan yung tradition na kasal muna, puwera lang sa live-in na, nauna na yun.
"Skip na lang yung step na yun. Pero po, yung kasal po, yung mag-anak, 'no?
"Sana, sana ganoon pa rin ang timeline namin."
Pero hindi siya nagmamadali na pakasalan ni Jeff?
Sagot ang aktres, "Di po. I guess, dahil sobrang tagal na rin namin, alam namin it will happen naman, natural.
"And dahil parang kasal na rin po kami, it's nice to know na yun na lang naman yung plan.
"So, it's in the plan. Yes, definitely in the plan."
PRESSURED?
Excited at pressured si Jasmine sa muli niyang pagsabak sa teleserye.
Ang huli niyang naging proyekto sa GMA-7 ay ang The World Between Us noon pang 2021.
Kakaibang role naman ang gagampanan niya ngayon sa Asawa Ng Asawa Ko.
Aniya, "Napaka-intense, napakakumplikado ng nangyayari sa role sa buhay ni Cristy.
"Kaya po talagang one of my biggest acting challenges to date, especially for TV.
"Ito talaga yung pinakaano ako, napasabak."
Ang dami niyang pinaghuhugutan ng emosyon sa mga eksenang ipinasilip sa media.
Aniya, "Kailangan ko hanapin, e. Kasi iba-iba yun. Ibang setting. Iba't ibang setting, iba yung range ng experiences.
"Tulad nga ng nabanggit ni Direk Laurice [Guillen] kanina, dahil hindi ko pa na-experience yung mga ibang bagay.
"Tulad ng pagiging asawa, nagkaroon ng anak, ang ma-kidnap, maputulan ng daliri.
"Yung hanapan mo ng emotion, minsan wala talaga siyang connect sa nangyayari.
"Pero yung sakit, yung lalim, kailangan matuklasan mo yun sa sarili mo.
"Otherwise, hindi mo fully magampanan nang maayos yung hinahanap ni Direk Laurice."
Dagdag na pressure pa sa kanya ay bigla silang inilipat sa prime time mula sa planong panghapong timeslot.
Pahayag ni Jasmine, "Sobra. I mean, na-pressure na rin po ako nung nalaman kong afternoon din.
"Kasi iba rin po ang kalakaran ng afternoon, iba rin po ang audience, and matindi din po ang labanan sa afternoon slots.
"So, mas tumindi yung tension sa katawan ko nung nalaman kong prime time.
"'Ha? Naku, nalipat kami sa prime time, takot na nga ako sa afternoon.'
"I guess, sa tagal lang din po ng break from doing TV, mas iba yung kaba ko ngayon.
"Mas may excitement na naman."
Kasama ni Jasmine sa Asawa Ng Asawa Ko sina Rayver Cruz, Liezel Lopez, Martin del Rosario, Joem Bascon, at marami pang iba.
Mapapanood na ito sa GMA Prime simula January 15, 2024, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 ng gabi.
