PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jealous Hubby Destroys OFW's Passport, Ticket at NAIA

Nakaalis kaya siya ng bansa?
Published Jan 11, 2024
torn passport and woman crying
Nagulat ang biktimang si Myra na inabangan siya sa airport ng kanyang mister, na inagaw ang passport at plane ticket ng misis saka pinunit ang mga ito.
PHOTO/S: Facebook

Napahagulgol ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si “Myra,” 31, dahil hindi natuloy ang kanyang paglipad papuntang Doha, Qatar, para bumalik sana sa kanyang trabaho.

Naka-schedule nang umalis si Myra nitong Miyerkules, January 10, 2024, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Subalit inabangan pala siya sa airport ng kanyang mister na si Jonard Banate, 34.

Nung nagkita ang dalawa, inagaw saka ibinato ni Jonard ang cellphone ni Myra, ulat ng News5 Everywhere.

Inagaw rin ang passport at plane ticket ni Myra, at ang masaklap, pinunit ang mga ito.

Agad namang rumesponde ang Philippine National Police Aviation Security Group nang marinig ang paghagulgol ni Myra.

Hinuli si Jonard.

Pero dahil sa nasirang travel documents, hindi na nakaalis ng Pilipinas si Myra.

Pagdedetalye ng OFW tungkol sa pagkikita nila ng mister sa airport, “Hinihila niya ako, dadalhin daw niya ako doon sa Batangas. Ang sabi ko, ‘Hindi puwede.’

"Nagpalag ako. E, hinila niya ako. E, bigla na lang niya kinuha ang cellphone ko, tapos binato niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sunod yung passport ko. Pinunit niya yung front page ng passport ko, tapos ticket ko,” lahad ng biktima.

Hayag niya, selos at pananakit ng mister ang mga dahilan ng kanilang away.

Read:

LOVERS’ QUARREL

Umuwi si Myra sa Roxas City, Capiz, para sa isang buwang bakasyon.

Pagsapit ng Bagong Taon, nag-away ang dalawa dahil may pinagseselosan daw si Jonard na kainuman ni Myra.

Nauwi ang away sa pananakit ng lalaki sa babae.

Sinabi ni Myra sa isang separate interview na hindi raw ito ang unang beses na sinaktan siya ng mister kapag nakainom.

Kaya nagdesisyon ang OFW na makipaghiwalay na kay Jonard.

Pero hindi raw niya inasahang may mangyayari pang gulo sa airport.

Nagsampa na si Myra ng reklamo, kabilang ang paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children, physical injury, pati na rin sa paglabag sa Philippine Passport Act.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Desidido siyang na ipakulong ang asawa.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag si Jonard.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat ang biktimang si Myra na inabangan siya sa airport ng kanyang mister, na inagaw ang passport at plane ticket ng misis saka pinunit ang mga ito.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results