PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Himutok ng Dalaga sa PHP299 Engagement Ring

May sumagot sa post ng babae at nagpakilalang siya ang nobyo na tinutukoy.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Jan 9, 2024
engagement ring
Napa-react ang maraming netizens, kabilang ang well-known social-media influencers, tungkol sa post ng isang babae na ang halaga ng engagement ring na ibinigay ng boyfriend ay PHP299.
PHOTO/S: Frederick Medina via Unsplash

Ang halaga ba ng regalo ay katumbas ng halaga ng isang tao?

Ito ang naging katanungan ng mga netizens matapos pagpiyestahan ang anonymous post ng isang dalaga.

Ang post ay tungkol sa engagement ring na natanggap niya mula sa nobyo na walong taon na niyang karelasyon.

Ang presyo ng singsing ay PHP299.

Nai-publish ang post sa Hugot ni Juan Facebook page noong January 3, 2024, at nilakipan ng caption na “sad si ganda.”

Inilahad ng dalaga ang kanyang pagkadismaya.

Nagtanong din siya kung “valid” ba ang kanyang nararamdaman.

Nito namang Lunes, January 8, 2024, isang anonymous account sa Tiktok ang nagpakilalang siya umano ang lalaking tinutukoy na nagbigay ng mumurahing engagement ring.

Nag-post ito ng sunud-sunod na screenshot ng Notes, kung saan nakasaad ang paliwanag niya.

Naging eye-opener din daw ang viral post upang makipaghiwalay siya sa nobya, at i-cancel ang wedding.

Read: Meet Sonya Kumar, VIP nanny who earns up to PHP14 million a year

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHE SAID

Sa post ng babae, hindi niya mapigilan ang sariling kuwestiyunin ang halaga niya sa nobyo.

Confused din siya sa nararamdaman.

Her post read, published as is: “My bf of 8 years just proposed to me. But nagiguilty ako kasi, I am upset due to the fact na the engagement ring only cost 299.

“Ganito lang ba kababa yung halaga ko sa kanya na hindi nya manlang pinag-ipunan pambili ng ring? Or di ko ba dapat e big deal? Am I too immature to feel this way?

“Hindi nya alam na nakita ko ung ring binili nya sa shoppee. Ignore ko nlang ba tong nafefeel ko? Or should I confront him, kaso ayoko din nman masira yung moment (sad face emoji)”

Bukod sa hiling na itago ang kanyang pagkakakilanlan, gumamit din ito ng hashtag na #PayongKapatid.

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet TikToker who destroys expensive designer bags for good reason

NETIZENS REACT

Hindi naman siya binigo ng mga netizens. Bumaha ng kuro-kuro sa Facebook, maging sa ibang social media platforms. Nag-viral ito, in short.

Marami ngang kilalang social-media influencers na nagbahagi rin ng kanilang reaction.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 4,400 reactions, 3,000 comments, at 7,400 shares ang original Facebook post.

May ilang pumabor sa dalaga at nagsabing “valid” o katanggap-tanggap ang reaksiyon nito.

Isang netizen ang nag-comment sa mismong post at nagsabing, “Let us not invalidate her feelings.” At sinundan ito ng smiling emoji.

Pagpapatuloy niya, “Here's my two cents abouts this. Maybe you are not meant for each other as 8 years may not be good enough for the both of you to know what are things that will make you happy; the things that you would appreciate.”

Read: Southeast Asian country tops World’s Most Powerful Passport list for 2023

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comment

Ayon naman sa Facebook page na HugotSnap. na isa sa mga nag-repost ng kuwento, sinabi nitong “cool” kung ang babae ay kuntento sa PHP299 na engagement ring, pero hindi masama kung nagpakatotoo siya sa nararamdaman.

“sa babae na nag post na sobrang bothered sa engagement ring, valid po ang kanyang feelings. She knows it's been 8 years, and she knows she's worth more than that. There's nothing wrong with knowing you deserve more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

Sabi naman ng isang netizen sa pambabatikos na inaabot ng dalaga, “hindi porket mababa standards mo, eh dapat mababa din standards ng ibang babae.”

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, may mga netizens na pinayuhan ang dalaga na maging kuntento sa natanggap.

Komento ng isang netizen: “At least may engagement ring sist.”

Sabi ng isa pa, “Appreciate small things! It's the action that matters, not the materials.”

comments

Ang iba naman, nagsabing bagamat valid ang kanyang nararamdaman, mas mainam na kausapin na lamang nito ang nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilan pa sa mga comments (published as is):

“Your emotion is valid and possibly he has good reasons behind it... ask him calmly and in a mannered way... partner man kayo, so dapat open kayo sa isa't isa..”

“communicate. its valid. and be grateful as well for he want to spend the rest of his life with you even in not so expensive things. learn to apprecciate, love matters.”

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HE SAID

Sa parte naman ng lalaking nag-claim na siya ang tinutukoy sa viral engagement ring issue, halatang dismayado rin ito sa reaksiyon ng nobya.

Bagamat kaya raw niyang bilhan ang nobya ng singsing na “nag-re-range ng 4 digits” o nagkakahalaga ng libong piso, napili umano niya ang mumurahing singsing bilang promise ring.

Breadwinner din daw siya ng pamilya.

Ang isa pang ikinasama ng loob ng binata, imbes na kausapin siya nang personal ay mas pinili ng dalaga na i-post ang pangyayari sa Facebook.

Bahagi ng kanyang post, published as is: “Hindi nyo po ako kilala at hindi ko rin kayo kilala. Iba iba po tayo ng pinag dadaanan sa buhay!

“Kung para sainyo po is napaka cheap ko well Naiintindihan ko po kayo don baka nga naman po kasi pinanganak kayo na [may] gold spoon nyo para sakin LOVE DOESN’T HAVE A PRICE!”

Sa huling bahagi ay inamin nito ang tungkol sa pakikipag-break sa nobya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Kung doon lang po sa cheap ring price nag reklamo what about the long run?”

May ilang kumbinsido na ang lalaki nga ang netizen, pero may ibang nagdududa kung totoong ang nobyo ang nag-post ng nasabing statement.

Dahil anonymous ang couple, may mga nagdududa tungkol sa katotohanan ng kuwento. Hindi kaya ito ay imbento? O di kaya ay paandar lamang para mag-viral?

But obviously, it struck a chord among netizens and it raised an issue, too.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napa-react ang maraming netizens, kabilang ang well-known social-media influencers, tungkol sa post ng isang babae na ang halaga ng engagement ring na ibinigay ng boyfriend ay PHP299.
PHOTO/S: Frederick Medina via Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results