Hindi na ikinagulat ng dating aktres na si Rica Peralejo ang pag-unfollow sa Instagram ni Kathryn Bernardo sa ex-boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Nitong Huwebes, January 11, 2024, tinanggal na ni Kathryn sa following list niya si Daniel, makaraan ang mahigit isang buwan matapos nilang isapublikong hiwalay na sila, noong November 30, 2023.
Read: Kathryn Bernardo unfollows ex-boyfriend Daniel Padilla on Instagram
Tanging si Kathryn lamang ang nag-unfollow, dahil kung titignan naman ang following list ni Daniel sa Instagram ay naka-follow pa rin ang aktor sa dating nobya.
Bukod kay Daniel, napabalita ring in-unfollow ni Kathryn ang mga kapwa niya aktres na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Gillian Vicencio.
Read: Did Kathryn Bernardo unfollow Liza Soberano, Julia Barretto, Gillian Vicencio on Instagram?
Walang malinaw na dahilan kung bakit niya ito ginawa, pero base sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), malalim ang dahilan sa pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel, pati na kina Liza, Julia, at Gillian, sa Instagram.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
Sa pamamagitan ng pag-post sa Threads, ibinahagi ni Rica ang kanyang reaksiyon tungkol sa usaping pag-a-unfollow.
Wala mang binanggit na pangalan si Rica, mahihinuhang patungkol ito sa KathNiel dahil bago ang pag-post niya sa Threads ay ipinost din nito sa Instagram Stories ang isang news artcard tungkol sa pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel.

Ayon kay Rica, hindi matatawag na "immaturity" ang pag-a-unfollow sa isang taong minsang naging bahagi ng ating mga buhay.
Read: Kathryn Bernardo's sister sparks intrigue for "We know what you did last summer" cryptic post
Wala rin daw siyang nakikitang masama kung sakali mang magdesisyon ang isang taong putulin ang anumang koneksiyon nito sa mga taong nanakit at nanloko sa kanya.
Ang pag-unfollow sa social media ay pagpapakita lang daw ng katapangan at katatagan sa kabila ng ipinadama sa isang taong ginawan ng kasalanan.
Mababasa sa Threads post ni Rica (published as is), "To unfollow people on socmed is not immaturity.
"It is an issue of control. It is an act of agency.
"Especially when we unfollow abusers, gaslighters, or people we associate with the root of our oppression, it is then an empowering practice to say, even in a small way, that ‘You cannot do this to me anymore.'
"It's agency. A term that means you have the ability to advocate for something.
"In this case, it's for oneself."
Dagdag pa ni Rica, malaking tulong din ang pag-unfollow sa peace of mind at mental health ng isang tao.
Ibinahagi rin ni Rica ang karanasan niya noon sa pag-unfollow ng mga taong minsang nakapanakit sa kanya.
Saad niya, "One thing I did last year was, INDEED, unfollow certain people.
"Nung una kasi "kinakaya" ko pa. Pa-"unbothered" acting. Pero every single time may post naalala ko naman ang ginawa sakin so naiinis lang ako hahahaha.
"Kahit na di naman ako nagrereact online sa kanila, sabi ko parang I don’t need this naman.
"I can just unfollow for my own health. And it felt good.
"I guess also the ability to control in certain places gives u back the agency lalo na if the root of the issue is oppression and abuse."

Read: Kathryn Bernardo likes cryptic post about "mistake repeated more than once"
