Nakarating na kay Maria Ozawa ang viral video ni David Licauco nang sumalang ito sa GMA-7 game show na Family Feud, kung saan nabanggit ng Kapuso actor ang pangalan ng former Japanese adult actress.
Sa episode ng Family Feud noong January 8, 2024, naglaro si David kasama ang kanyang mga kaibigan, kabilang na rito ang aktor ding si Dustin Yu.
Kalaban ng "Team David" ang "Team Barbie," na pinangunahan naman ng ka-love team ng aktor na si Barbie Forteza.
Kasama ng aktres sa team ang ama niyang si Tony at ang kanyang make-up artist at stylist.
Ang tanong ng host na si Dingdong Dantes sa pangatlong round ay dugtungan ang pangalang “Maria.”
Top answer ang "Maria Clara" na nakuha ng team ni David.
Ngunit nang isa-isahin na sila ni Dingdong na pasagutin, ikinagulat ng lahat ang naging sagot ng tinaguriang Pambansang Ginoo.
“Ozawa!” ang isinagot ni David, na ang tinutukoy ay ang Japanese actress na si Maria Ozawa.
Si Maria ay dati ring nobya ng Kapuso actor-chef na si Jose Sarasola.
Read: Jose Sarasola still friends with ex-girlfriend Maria Ozawa
Katakut-takot na kantiyaw at pang-aasar tuloy ang inabot ni David na maging siya ay nagulat din sa kanyang isinagot.
Ang video clip ng pagsagot ni David ay mabilis na nag-trending sa social media, dahilan para makarating ito kay Maria.
Read: David Licauco kinakantiyawan dahil kay "Maria Ozawa"
Sa Instagram Stories ng dating adult film star noong January 10, ni-repost niya ang video clip ni David sa Family Feud.
Mahihinuhang maging si Maria ay nagulat sa sagot ni David at tinawag pang "cute" ang Kapuso heartthrob.
"He's so cute [laughing in tears and heart emojis]," ani Maria.

Read: Maria Ozawa still likes Filipino guys despite bad experience with TNVS driver
