Hindi pinalampas ni Xyriel Manabat ang isang netizen na nagsabing hindi umano bagay ang aktres at ang boyfriend nitong si Nathaniel Toledo.
Read: Xyriel Manabat finally introduces non-showbiz boyfriend on Instagram
Sa post ni Nathaniel sa Instagram noong Sabado, January 13, 2024, makikitang nag-bike ride sila ni Xyriel.
Caption ng boyfriend ni Xyriel, “My ride or die?”
Naka-tag diro ang Kapamilya star kaya lumabas din ito sa feed ng Senior High actress.
View this post on Instagram
Sa comments section, isang netizen ang diretsahang nagsabi na, “Hindi kayo bagay Xyriel”

Sinagot ito ni Xyriel.
Buwelta ng dating child star, “hindi rin kayo bagay ng baby daddy mo”

Tila apektado ang basher sa sinabi ni Xyriel kaya nag-direct message ito sa kanya sa Instagram.
Nasaktan daw ang netizen dahil nadamay ang anak niya sa sagot ng aktres.
Sabi nito, “Girl handa akong halikan ang paa mo wag mo lang idamay ang baby ko.
“Hindi mo alam kung gaano mo pinapahiya ang baby ko kaysa sakin at sayo.
“Kahit pa mag comment ako diyan mas madami padin ang mag-aagree sayo dahil sikat ka.
“Pero yung baby ko sa tingin mo ikatutuwa mong i-chat ako pero dinadamay ang baby ko? Mas masaya kaba nun?
“Yung comment about sa relationship mo ang babaw palang niyan para idamay mo ang baby ko.
“Pero yung angel (baby) that’s different girl.”
Ini-screenshot ito ni Xyriel at ipinost sa kanyang Instagram Story.
Litanya ng aktres, “Then think before YOU CLICK. “Girl.”
“Sa tingin mo hindi mo dinamay boyfriend ko sa comment mo? You chose to be exposed by commenting something na di mo pinag-isipan possible consequences.
"Now iguiguiltrip mo ko when I’m not even pertaining to your baby AT ALL. I said “baby daddy” means im talking about your partner (TOO) labas dito baby mo and hindi ako mababaw.
“DON’T INVALIDATE MY FEELINGS, MOMMA. EVER.”

Sinundan pa ito ni Xyriel ng isang Instagram Story post.
Aniya, “U commented something in public then deal with the publicity u r asking for.”

Burado na sa Instagram ang komento ng basher.
Samantala, isang netizen naman ang sinabihan si Xyriel na huwag nang pumatol sa bashers.
Ayon dito, “Wag mo na patulan mga haters. Be more mature. Let them hate you more while you succeed. Cheers young woman!”
Sagot ni Xyriel, “maturity po does not mean i can't have a voice to defend myself. I can be mature and BRAVE at the same time po. Thanks for looking out for me po and for cheering my success love u po”

Read: Xyriel Manabat responds to "may hair yung armpit" comment from basher
