Umani ng papuri si Maris Racal mula sa award-winning actress na si Gladys Reyes.
Sa latest vlog ni Maricel Soriano sa YouTube, tinanong ng Diamond Star si Gladys tungkol sa mga baguhang artistang nakasama nito sa mga nagdaan niyang proyekto.
Read: Gladys Reyes beats two Padillas for best actress in 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal
Ayon kay Gladys, wala pa naman siyang baguhang artistang nakatrabaho na mayroong atitude.
Kung tutuusin, marespeto raw sa kanya ang mga nakasama niya at nakikita niya sa mga ito ang kagustuhang matuto at gumaling pa sa tinatahak nilang career sa showbiz.
Isa sa mga nakatrabaho niyang puring-puri ni Gladys ay si Maris.
Kuwento ng dating Mara Clara star, first time niyang makatrabaho si Maris sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Here Comes The Groom. Dito raw niya nakita ang galing at ibang dedikasyon ng dalaga sa kanyang propesyon at trabaho.
Saad ni Gladys, “Awa naman ng Diyos, Nay [Maricel], wala pa akong naka-work na alam mo na, hindi ba? Hindi naman uubra [ang may atitude] hindi ba, Nay?
"Napakamarespeto ng mga bata naman na nakatrabaho ko.
“Like, ang first time ko to work with, sa Here Comes the Groom, si Maris Racal.
"Si Maris po is one of the promising and talented actors that we have now."
Read: THROWBACK: ABS-CBN to bring back episodes of Judy Ann-Gladys's Mara Clara
Pagyayabang pa ni Gladys, sa konting panahong pagsasama nila sa shooting ni Maris ay nakita niya ang kagutushan nitong mas gumaling pa bilang aktres at performer.
Aniya, "Musikera din, ano, iyong bata, and nakita ko rin yung kagustuhan niya doon sa ginagawa niya.
"Iyong respeto niya sa katrabaho, yung dedication noong bata."
Read: Maris Racal pleasantly surprised to see her face on Times Square billboard in New York
Tila napapanahon naman ang naging papuri ni Gladys kay Maris.
Ngayo'y gumagawa ng ingay si Maris dahil sa effective na pagganap niya bilang Irene Tiu sa Kapamilya primetime series na Can't Buy Me Love, na pinagbibidahan nina Donny Pangilina at Belle Mariano.
Read: Maris Racal, aliw ang character sa Can't Buy Me Love
Samantala, mabilis namang nakarating kay Maris ang papuri sa kanya ni Gladys.
Nitong Miyerkules, January 17, 2024, ni-repost ni Maris sa X (dating Twitter) ang isang artikulo tungkol sa naging pahayag sa kanya ng award-winning actress.
Read: Maris Racal's note-taking photos spark new round of memes: "i hate twitterrrrr"
