PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Fowler posts bail after arrest for alleged cybercrime violation

Toni posts PHP120,000 bail after arrest.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 19, 2024
Toni Fowler posts bail for alleged cybercrime violation charges
Social media influencer-vlogger Toni Fowler posts PHP120,000 bail after arrest for cybercrime charges in connection to the music video of her song "MPL."
PHOTO/S: Toni Fowler Instagram

Mabilis nakapagpiyansa ang social media influencer-vlogger na si Toni Fowler matapos siyang padalhan ng warrant of arrest at ipaaresto ng Pasay City Regional Trial Court Branch 108 ngayong Biyernes, January 19, 2024.

Ang pag-aresto kay Toni ay kaugnay ng kasong kriminal na isinampa sa kanya ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP).

Noong September 27, 2023, sinampahan si Toni ng paglabag sa Article 201 of the Revised Penal Code, in relation to Section 6 of Republic Act 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Dahil ito sa umano'y "obscene" o kalaswaan sa music video ng vlogger sa kanyang kantang "MPL."

Read: Hits and misses in Toni Fowler's viral music videos

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ilang oras matapos arestuhin si Toni ay agad siyang nakapagpiyansa ng PHP120,000 para sa panandaliang kalayaan.

Read: Toni Fowler recalls butt enhancement horror story: “Motor oil ang nalagay."

Noong September 30, 2023, mariing pinabulaanan ni Toni ang paratang sa kanya ng KSMBP sa pamamagitan ng isang official statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paninindigan ng FPJ's Batang Quiapo cast member, wala siyang nilabag sa batas.

Inisa-isa rin niyang sinagot ang mga umano'y kasinungalingang ibinabato sa kanya ng kapisanan.

Bahagi ng inilabas niyang pahayag (published as is), “Para sa KSMBPI, nais kong punahin at sagutin ang kasinungalingan ninyo sa media.

“Una, Hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t krimiinal ang ikinakaso ninyo laban sa akin. Hindi din ho magandang halimbawa sa mga bata ang pagsisinungaling.

“Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b@stos, m@laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili.

“Kasama dito ang pag-aari ko sa aking katawan, sa aking pagkababae, at higit sa lahat ang pag-aari ko sa nais kong gawin, sabihin, kantahin, o sayawin dahil hindi nito binabawasan o inaapakan ang karapatan ng ibang tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ninyo pag-aari ang mga ito. Katawan ko, kwento ko, lib*g ko, opinyon ko, at pagkakababae ko - akin ito at hindi sa inyo.”

Diin pa ni Toni, walang karapatan ang KSMBP na pagbawalan at sabihin kung ano ang dapat niyang gawin o iasta.

Pagpapatuloy niya, “Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko — gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap.

“Hindi kayo ang karapat-dapat na manguna sa pagpuna lalo na sa mga usaping s3xual naming kababaihan dahil unang-una, hindi ito bawal at hindi kayo babae."

Read: Karen Davila gamely answers dirty questions of vlogger Toni Fowler

Giit pa ni Toni, kung sakali mang ipakita niya ang anumang pribadong bahagi ng kanyang katawan sa isang pelikula o music video ay wala raw pakialam ang naturang organisasyon dahil hindi naman niya inoobliga ang mga taong tangkilikin at panoorin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Toni, “Bahagi ng bawat tao ang lib*g, at bahagi ng ating karanasan ang pakikipag-talik at pag-gamit ng s3x toys.

“Hindi ko na kasalanan kung hindi ninyo ito naranasan o nararanasan dahil hindi ko pipigilan ang aking sarili para lamang sa mga gaya ninyo.

“At kung sakali man dumating ang araw na ipakita ko ang ari ko o kahit ano mang sensitibong bahagi ng katawan ko sa pelikula man o music video, wala kayong pakielam dahil tulad ng MPL, hindi ko pinilit ipanood sa inyo ang mga ito.”

Read: Toni Fowler reacts to KSMBPI "obscenity" charges

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media influencer-vlogger Toni Fowler posts PHP120,000 bail after arrest for cybercrime charges in connection to the music video of her song "MPL."
PHOTO/S: Toni Fowler Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results