Nag-stalk muli si Pokwang sa account ng estranged partner na si Lee O’Brian sa Instagram noong January 18, 2024.
Nagkataon kasing ito ang ika-anim na kaarawan ni Malia O’Brian, ang anak nila ng estranged boyfriend.
Read: Pokwang, Lee O’Brian post separate birthday messages for daughter Malia
Partikular niyang binasa ang mga comments sa birthday post ni Lee para sa anak na si Malia.
View this post on Instagram
May isa kasing netizen ang nagsabi kay Lee na balang araw ay hahanapin din siya ni Malia paglaki nito.
Saad ng netizen, “Huwag kang mag alala Lee darating ang panahon si Malia mismo ang pupunta sayo.”
Sinagot ito ni Pokwang.
Aniya, “Oo para sumbatan sya dahil di naman nagpaka ama sa socmed lang tse!”

Noong nakaraang November 2023, unang nag-stalk ang Kapuso star sa isang post ni Lee sa bonding moment nila ng anak.
Tila ipinahiram ni Pokwang si Malia sa ama kaya sila nagkaroon ng oras para mag-bonding.
At ilan sa mga nagkomento sa post ay sinagot ni Pokwang.
Natuwa naman ang isang netizen na naipahiram ni Pokwang kay Lee si Malia.
Aniya, "I'm glad that Pokwang allowed you to meet Malia. After the nasty word for you."
Ayon kay Pokwang, tila ito na ang huli nilang bonding.
Sabi pa ng komedyante: "last na nila tan bwahahahahhaa party paaarrttyy!!! iyak na kayo!"
Read: Pokwang on daughter Malia and Lee O’Brian bonding: “Last na nila.”
At mukhang nagdilang-anghel si Pokwang.
Dahil noong December 12, 2023, ipag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation ng former partner ni Pokwang dahil sa isinampa nitong reklamo sa ahensiya.
Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian
Bukod pa rito, kabilang din si Lee sa nasa blacklist ng government agency dahil sa violation ng kanyang work visa, cancellation ng kanyang pre-arranged employment visa, at ang pag-isyu ng Warrant of Deportation laban sa kanya.
Read: Pokwang wins deportation case vs. Lee O’Brian: “Justice served”
